Concert ni Ji Chang Wook 2 years pang hihintayin ng Pinoy fans

Biglang nawala ang pagiging bitter ng fans ni Ji Chang Wook kay Jinkee Pacquiao matapos nilang mabalitaan na ang mister nitong si Sen. Manny Pacquiao ang magpo-produce ng concert ng Korean actor.

Sobrang inggit ang fans ni Jin Chang kay Jinkee.

Imagine nga naman, nasa Korea na si Jin Chang at nasa loob pa ng military camp, pero nagkaroon pa rin ng picture at calendar na may autograph si Jinkee.

Napawi ang inggit ng mga fans sa misis ng Pambasang Kamao dahil si Jinkee lang pala ang sagot sa kanilang dasal para makita ng personal sa bansa ang kinababaliwan nilang Korean actor kung matutulog ang concert.

Noon pa man ay naka-line up na ang ‘Pinas sa gagawing concert ni Jin Chang sa mga Asian countries dahil napansin na ni Ji Chang Wook ang sobrang pagmamahal sa kanya ng mga Pinoy fans.

Pero nagbubunyi ang lahat at nagpapasalamat kay Jinkee na iba ang level dahil mas mapapabilis na matupad ang pangarap ng Pinoy fans.

Kaya ngayon pa lang ay nag-iipon na ang mga fans para masilayan ang Korean actor na nagti-training  na tatagal ng dalawang taon. Kapag napa-oo na ni Manny si Ji Chang na mag-concert sa Manila, tiyak na goal ng marami ang mabili ng VIP seat para bonggang makita ang paborito nilang Korean actor at singer.

Show comments