Rachel wini-wish na ‘wag matulad kina Mariel at Laura

Rachel Peters

Sana, Salve A., maiba naman ang kapalaran ni Rachel Peters, ang ating representative sa papalapit na Miss Universe 2017.

Dalawa na ang talunan natin, si Mariel de Leon na bet natin sa Miss International 2017, at si Laura Lehmann sa Miss World 2017.

Sa Las Vegas, USA gaganapin ang Miss Universe sa November 27.

Let’s all wish Rachel, good luck.

Yeng at Kim makikipaggalingan sa kantahan sa mga Intsik

Wow, Salve A., here’s one event we all need to look forward to: The Fil (for Filipino) cum Chi (Chinese) concert, which will hit Manila on January 17 sa Mall of Asia Arena.

Titled Nice To Meet You, mga kilalang Chinese artists ang magpe-perform, sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan) at Da Zhuang.

Mula naman sa atin, si Yeng Constantino na ating local pop-rock princess at si Kim Chiu na ating local music’s chinita princess, ang magpe-perform.

Produced by Philippine Dragon Media Network (PDMN), they have for their partners Star Music at Cornerstone Entertainment.

Now guess what more: Yeng will sing her huge hit, Ikaw, in Mandarin. At si Kim, who has Chinese blood running in her veins, kumbaga, ay kakanta ng ilang awitin na sikat sa Chinese community, ang Peng Yu at Yue Liang Dai Biao Wo De Xin.

Featured naman ang world renown na Loboc Children’s Choir mula Loboc, Bohol.

Karla hindi ipinagdadamot ang mga anak sa apat na ama!

Saludo kami, Salve A., sa ginawang pagpapalaki ni Karla Estrada sa kanyang apat na anak, dalawang babae at dalawang lalaki na apat din ang magkakaibang ama.

Pero tulad daw ng hiling niya sa mga bata, lumaki ang mga itong close sa isa’t isa at ang turingan ay magkakapatid in the true sense of the word.

Well-behaved din lahat. Mula sa panganay ni Karla na si Daniel Padilla, na ang father ay si Rommel Padilla, na actor din. ‘Di nga lang sila kasing sikat ni Daniel.

Nasa cast nga pala si Rommel ng upcoming series na Hanggang Saan, na tinatampukan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Sumunod kay Daniel si Jose Carlito, na isang Padilla rin ang ama, na miyembro naman ng isang banda.

Graduate na ng college si Carlito. At may permiso na siya ng ina na maging recording star. He will release his first single soon.

“Hiling ko lang naman sa anak kong magtapos ng pag-aaral. At bahala na siya kung ano ang balak niya sa buhay.

“Ang akin, dahil may pinag-aralan siya, may fall back siya,” ani Karla. If, in case, mag-fail as a recording star si Carlito.

Pareho namang namana ng dalawang girls ni Karla ang kanyang looks, lalo’t noong kanyang kabataan. Bagama’t ang claim ni former City Congressman Mike Planas, father of Magui, the elder of the two, mas kamukha siya ng anak.

Tenorio naman ang family name ng bunsong si Carmela.

Ayon kay Karla, pinapayagan niya ang apat na anak na maging close sa kani-kanilang mga ama.

Samantala, busy din si Karla gaya ng anak na si Daniel dahil aappir din itp sa pelikula ng anak kasama sina Pia Wurtzbach at Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry na Gandarrapiddo, The Revenger Squad.

This is the first time na magkakasama sina Daniel at Karla sa isang project.

Occasionally, member siya ng jurors ng segment na Tawag Ng Tanghalan sa noontime program ng ABS-CBN, It’s Showtime.

Tuwing umaga naman ay napapanood siya sa Magandang Buhay kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal bilang mga host.

Show comments