Maine nag-recharge sa HK!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 16, 2017 - 4:00pm

Pabalik na ng Pilipinas ang phenomenal star na si Maine Mendoza from a holiday vacation in Hong Kong. Nagkasunud-sunod kasi ang work ni Maine kaya nag-time out muna siya at ready to work na ulit pagbalik ng bansa. Nag-ikot ikot lamang si Maine at nagpahinga roon pero bago siya umalis, nag-taping muna siya ng solo guesting sa The Lolas’ Beautiful Show nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo). 

Mapapanood na ang guesting niya sa Monday, November 20, 11:30 AM, before Eat Bulaga. Para rin ito sa promo ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies. Bukas, November 18, back to Eat Bulaga na si Maine at kinagabihan naman ay ang first time niyang pagrampa sa Bench Under The Stars, to be held at Mall of Asia Arena, kasama ang iba pang models and endorsers. 

Alden at Maine pasok sa pelikula ng tatlong lola?!

Meanwhile, sa grand presscon ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, natanong ang mga lola kung paano nagsimula ang pagsasama-sama nilang tatlo. Naunang maging lola si Wally sa Kalyeserye na nagpasikat sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Si Lola Nidora kasi ang amo ni Yaya Dub (Maine). Then sumunod nang nag-appear si Paolo as Lola Tidora at huling naging lola si Jose bilang Lola Tinidora. 

Sumikat ang tatlong lola at twice na silang nag-perform sa shows sa US. At ngayon lamang sila talaga gagawa ng movie na sila ang bida kasama ang apo nilang si Charmaine (mula sa pangalan ng parents niyang sina Richard at Maine) na ginampanan ni Caprice Cayetano.

Sa movie na idinirek ni Mark Reyes, ipakikita hindi lamang kung paano magmahal at mag-alaga sa kanilang apo ang tatlong lola. Ipinangako ni Direk Mark na magpapakita ang kanilang movie ng comedy, drama, action at ang mga aral na ibibigay ng mga lola hindi lamang sa apo kung hindi sa iba pang characters na kasama sa movie.

Sa kabila ng pagiging busy ng JOWAPAO sa iba pa nilang work bukod sa EB ay natuwa sila nang malamang gagawa ng movie sa APT Entertainment at M-Zet Productions. Sa story ay magsi-celebrate ng birthday si Charmaine kaya aligaga ang mga lola na bigyan siya ng hindi makakalimutang celebration na gagawin out of town. Pero parating pa lamang nila sa location, nakita na nilang nagkakagulo ang mga tao dahil sa naglabasang mga zombies. Umiral ang pagiging super lolas ng tatlo at ginamit ang lakas nila at determinasyon para maipagtanggol hindi lamang si Charmaine kung hindi ang mga taong gustong biktimahin ng zombies.

Sa Monday ay magkakaroon sila ng grand premiere night sa SM Megamall at sa Wednesday, November 22 na ang opening ng movie in cinemas nationwide.

Dapat daaw abangan kung susulpot sa pelikula sina Alden at Maine.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with