Kim pasadong Star patroller, swak din daw sa The Buzz

Trending sa Twitter ang unang pagsalang sa TV Patrol bilang Star Patroller ng bida ng Ikaw Lang Ang Iibigin serye na si Kim Chiu last Tuesday.

Nag-trend ang hashtag na #KimChiuOnStarPatrol at marami ang pumuri kay Chinita Princess as a first-timer. Wala raw buckle at stuttering ang aktres kaya naman sobrang proud sa kanya ang mga fans niya.

Ibinalita ni Kim nang gabing iyon ang tungkol sa pag-cosplay sa Japan at kaarawan ni FPJ’s Ang Probinsyano lead star Coco Martin.

Ang ilan sa mga komentong nabasa namin ay “job well done, Kimmy”, “all around in the field of showbiz industry”, “such a pro”, “you are excellent”, “pretty on screen and she did a good job”, “ang galing ng transition from actress to singer to newscaster”, “ang galing-galing LODI”, at marami pang comments na lahat ay positive.

May nag-suggest ding ibalik ang The Buzz at kunin si Kim as one of the hosts, may nagkomento ring pwede nang bigyan ng sariling show ang aktres wherein she can showcase her hosting ability.

Lorna emosyonal pa rin sa pagkawala ni Daboy

Tulad ng mga nakaraang taon, inalala ni Lorna Tolentino ang namayapang mister na si Rudy Fernandez sa Araw ng mga Patay kahapon.

Nag-post si LT kahapon sa kanyang Instagram account ng larawan at short video ng kanyang pagbisita sa puntod ni Daboy sa Heritage Memorial Park

Sa short video ay nagpasalamat siya sa kaibigan ni Daboy na si former Sen. Jinggoy Estrada at asawa nitong si Precy Vitug sa pagpapadala ng bulaklak sa asawa.

“Maraming Salamat sa pagmamahal kay Daboy. Nov 1, 2017 #senatorjinggoyestrada @precyejercito,” caption ni LT.

Maikli pero napaka-touching naman ng caption ni LT sa larawan ng puntod ni Daboy.

“Always missed... always loved... never forgotten,” ang caption ni LT.

Si Daboy ay pumanaw noong 2008 sa sakit na cancer at nasaksihan ng lahat sa showbiz kung gaano ito dinibdib ni LT. There was a time na halos sa sementeryo na siya tumira dahil halos araw-araw niyang dinadalaw ang yumaong mister.

It took quite a while bago naka-move-on ang aktres and up to now, kahit pa sabihing it’s been nine years, alam naming hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa mister tulad nga ng sinabi niya sa caption.

Show comments