Jane panay ang paramdam kay Empoy!

Aminado si Empoy Marquez na palaban din siya pagdating sa pagluluto na ipinagmamalaki ng komedyante sa kanyang mga interview. Matagal na raw siyang mayroong resto-bar sa Baliuag, Bulacan. Kaya nakaka-relate rin ang komedyante sa bagong movie nila ni Zanjoe Marudo na Kusina Kings na iri-release ng Star Cinema.

Hindi rin nagpapatalo si Zanjoe na bilang Batangeño ay kilala ring masarap magluto. Kaya naman ipinagmamalaki ng dalawa ang kanilang tandem na maghahasik daw ng kakaibang magic sa mga manonood.

Samantala, nagpaparamdam si Jane Oineza na nakasama ni Empoy sa movie ng Regal Entertainment na Bloody Crayons na puwede silang dalawa ang magka-loveteam at nabuo ang #Janepoy.

Dahil patok na patok si Empoy, gustong sumawsaw ni Jane sa kasikatan ng komedyante ngayon. Kaya wish ni Jane na maulit uli ang tandem nila ng komedyante na baka nga naman maambunan siya ng suwerte.

Show comments