Maxine binabakuran ng BF sa shooting!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 20, 2017 - 4:00pm

Pinaka-excited daw sa pagiging artista ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ay ang boyfriend niyang si Marx Topacio.

Si Marx nga raw ang kumukuha ng pictures at videos nito para i-post sa social media account. Kaya updated raw ang unang pagsabak niya sa pagiging artista dahil may official photographer siya sa set.

“Nakakatuwa kasi kahit na alam mong matagal ‘yung shooting, Marx is always there with me at siya ‘yung photographer/videographer ko.

“Kaya documented ang first movie ko dahil sa sipag at tiyaga niya.

“Minsan nga nahihiya na ako sa kanya, kasi naghihintay talaga siya.

“Pero excited daw kasi siya for me and my first time to act sa isang movie.

“This is something new for me na gusto kong i-explore pa. Sabi nga ni Marx na I should do more movies and portray more characters,” ngiti pa ni Maxine.

Malaking tulong naman daw ang pag-attend ni Maxine ng acting workshops para sa unang movie niya na Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Nag-workshop si Maxine sa ilalim ng mga award-winning actors na sina Pen Medina and Gina Alajar. Nalaman ng beauty queen-turned-actress na hindi pala biro ang umarte sa TV at pelikula.

“Ang daming paraan para mailabas mo ang pag-arte pala. Akala ko basta marunong kang umiyak, okey na.

“But there is more to that pala. There are movements, there are little things na magagamit mo to make your character effective.

“Naniniwala rin ako sa mga ghosts dahil parati akong nasa malaking house ng lola ko together with my cousins. Eh, dating cemetery iyon kaya alam mong may kung anong spirits ang umiikot sa house. Nakatulong iyon para sa character ko,” pagtapos pa ni Maxine Medina.

Jan Manual engaged na sa churchmate

Congratulations sa StarStruck 4 Avenger at Bubble Gang comedian na si Jan Manual dahil engaged na ito sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jamey Santiago.

Naganap ang proposal ni Jan kay Jamey sa isang restaurant sa Quezon City kung saan ang saksi ay ang mga pamilya at kaibigan nila. Kasama na rito ang best friend ni Jan na si Aljur Abrenica.

Nagkakilala sina Jan at Jamey sa church kung saan aktibo ang aktor for the past three years na.

Nakilala si Jan sa pag-impersonate nito kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao kaya siya tinaguriang  Pacboy.

Gumanap din sa ilang gay roles sa teleserye si Jan. Huli niyang nilabasang teleserye ang That’s My Amboy noong 2016.

Bago na-engaged si Jan kay Jamey, na-link ito kina Kris Bernal at Sheena Halili.

Joe Jonas patatali na sa GOT actress na si Sophie Turner

Engaged na ang singer na si Joe Jonas sa Games of Thrones actress na si Sophie Turner.

Noong 2016 unang nag-date ang dalawa at ngayon ay ipinakita na nila via Instagram ang pear-shaped diamond engagement ring sa daliri ni Sophie na may caption na “I said yes”.

Mabilis na nag-send ng kanyang congratulatory tweet ang kapatid ni Joe na si Nick Jonas.

“Ahh! Congratulations to my brother... and sister in law to be on your engagement. I love you both so much,” tweet pa ni Nick.

Kasalukuyang lead singer si Joe ng kanyang US dance-rock band na DNCE.

Na-link romantically si Joe sa mga celebrities na sina Demi Lovato, Camilla Belle, Ashley Greene, Taylor Swift and Gigi Hadid. Samantalang si Sophie ay na-link kina James McVoy, Tye Sheridan and Thomas Mann.

Sa isang HBO afterparty ng Golden Globes noong nakaraang January lamang nakumpirma ang relasyon ng dalawa.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.