Jessy Mendiola at Luis Manzano

Luis at Jessy nag-ala Mickey at Minnie
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 15, 2017 - 4:00pm

Pumapag-ibig hanggang Tokyo, Japan ang lovers na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Very cheesy ang photo together ng dalawa na magkayakap sa may bintana habang tanaw-tanaw ang view sa labas.“Cuddle weather,” caption ni Jessy.

Nag-post din sila ng pictures kung saan nasa Tokyo Disneysea sila suot ang headband nina Mickey at Minnie Mouse.

Komento ng follower niya, sana si Jessy na raw ang last girl na dalhin ni Luis sa Japan. “You make a very sweet gorgs couple...stay happy like that no matter what life throws at you two.” - @ana.lovely.domingo.

Mula naman kay @bibi.no.bio623, “@senorita_jessy what is nice about this is after all the negative things and wrong judgment at the beginning, you stayed strong and fought for the love you believe is true, cherishing every moment of the present that you know will lead you one day to the future. #stayinlovealways #stayhappy #youraresobeautiful.”

Kantiyaw ng ilang followers, bigyan na raw ni Luis ng sing­sing si Jessy, huh!

Lotlot at Janine inisnab ang celebration ni Nora

Nangangamoy isyu na naman ang hindi pagsipot ni Lotlot de Leon sa 50th year celebration ni Nora Aunor sa Vera Perez Gardens last Saturday.  Handog ng fans ni Ate Guy ang okasyong ‘yon at present ang Superstar.

Ayon sa naglabasang reports sa social media, present ang lahat ng mga anak ni Nora na si Ian, Matet, Kenneth, at Kiko. Tanging si Balot lang ang wala pati na ang anak niyang si Janine Gutierrez.

Sa huling interview namin kay Janine, wala naman daw problema sina Nora at Lotlot. Pero dahil sa absence niya, malamang na bigyan na naman ‘yon ng kulay, huh!

Kyla nabiktima ng loko-loko sa Italy

Nadenggoy ang singer na si Kyla habang nagbabakasyon sa Italy kasama ang asawang si Rich Alvarez at anak nilang si Toby. Apparently, nagpakuha sila ng photo sa isang taong hindi kilala base sa caption niya sa pic nilang mag-anak.

“20 euros pero ang labo naman ng kuha ng mamang yon. Andami talagang lokoloko. Nakakatawa na lang talaga. Ha­yaan na. Nag-enjoy naman si Toby. At may kasama pa ka­ming mga ibon sa picture. Salamat Lord! #milan #mgaturista.”

Nasa harapan ng Duomo Cathedral sa Milan sina Kyla sa kuhang ‘yon at super-labo ng cathedral sa litrato, huh! Magkano nga ‘yung 20 euros, Salve A.?

Conan makikipagbakbakan kay Marian

Magbabalik sa bansa ang Hollywood actor na si Conan Stevens na lumabas sa Game of Thrones at huling ginawa ang GMA series na Encantadia sa mga unang episode ng telefantasya.

Ayon sa Instagram post ng @gmasupermaam, babalik si Steven sa bansa upang mag-shoot para sa Marian Rivera series na Super Ma’am kahapon.

Kakampi ba siya ni Super Ma’am o kaaway? Biro ng isang follower sa IG, siyempre kaaway dahil lalaki si Conan! Tawagin na bilang kakampi si Alyas Robin Hood (Dingdong Dantes)!

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with