Nag-feeling panget Marian ibinukong inartehan si Dingdong pagkapanganak!

Gustong maging ehemplo ni Ma­rian Rivera sa mga na­ging nanay na takot maging ina dahil hindi kayang alagaan ang sarili kapag meron nang asawa’t anak.

“Gusto kong i-embrace nila ang pagkakataon dahil napakasarap magkaroon ng asawa’t anak. Tapos, iinom ng Snow (Crystal White Tomato). Ewan ko na lang kung hindi ka maging snow-snow talaga,” pahayag ni Ma­rian sa launching niya bilang endorser ng produkto.

Sa totoo lang, ipinagmamalaki ni Yan Yan ang 19 inches niyang waistline, ang kawalan ng puson na parang walang Baby Zia na inilabas, huh! Natakot nga siya matapos manganak dahil ang feeling niya, eh nabawasan ang ganda niya.

“Ako lang ‘yung umaarte after kong manganak! Inaartehan ko si Dong! Ha! Ha! Ha!” sey pa niya.

Komo bagong endorsement, humarap siya at ang management team niya upang malaman ang advantage sa kanya ng Snow Crystal White Tomato.

“Siguro isa ito sa supplement para sa kababaihan. Mala­king tulong ito sa akin dahil hindi na ako bagets,” rason niya.

Sa ngayon, sabay silang nagtatrabaho ng asawa sa bago nilang programa. Wala naman daw ‘yon dahil magkaiba sila ng schedule ng tapings.

“Nagsisilbing motivation sa akin ‘yung kinabukasan ng a­ming anak. Mahirap dahil umiiyak ako kapag umuuwi. Meron akong separation anxiety.

“Pero inisip ko na lang, para sa kinabukasan ni Zia ang ginagawa namin. Sacrifice lang,” rason ni Marian.

Nahihilingan na nga lang daw siya ni Zia ng kapatid. “Lalaki raw ang gusto niya. Puwede na pero tapusin ko muna ang commit­ments ko,” saad ng GMA Primetime Queen.

Juana Change hindi na pinatulan

Iniurong na ang demanda para kay Juana Change, aka Mae Paner dahil sa ginawang pagsuot ng military uniform sa nakaraang State of the Nation Address ni President Digong Duterte last Monday.

Hindi nagustuhan ng ilang AFP officials ang ginawang pagsusuot ni Paner ng uniform na ayon sa kanila, paglabag sa ilang batas.

Rason naman ni Mae sa interview sa kanya ni Arnold Clavio, bahagi ‘yon ng kanyang comic skit bilang entertainer, huh!

Show comments