^

Pang Movies

Bulaklak ni AiAi sagot na rin ni Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Laglagan agad sa opening pa lamang ng Sunday PinaSaya kahapon sina AiAi delas Alas, Marian Rivera-Dantes, at Alden Richards.  Dahil last Sunday of June na kahapon, may wedding segment ang show at si­nimulan ito ni Marian na sabi niya, malapit na raw ang kasal ni AiAi.

“Yes, at si Kambal ang sasagot ng wedding gown ko,” sabi ni AiAi. 

“Alam ba ninyong mas mahal ang wedding gown ko kaysa wedding gown niya noon? At siya rin ang gagawa ng wedding bouquet ko. Lahat na sagutin mo Kambal, huwag mo lamang akong bibigyan ng shoes kasi kapag ibinigay ang shoes maghihiwalay daw ang mag-asawa. Kaya ikaw Alden, huwag mong bibigyan ng shoes si Maine (Mendoza) baka maghiwalay kayo.”

“Ikaw naman Alden, kailan ba ang kasal mo,” baling ni Marian kay Alden na napakamot ng ulo bakit daw siya nakasali. “Oy, ‘di ba tinatanong mo ako kanina kung ano ang magandang singsing?”

Nahinto na lamang ang laglagan portion dahil start na ng first segment ng show.

Carla at Tom ayaw sa iyakan

After pa lang mag-taping nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ng bago nilang primetime romantic-comedy series na I Heart Davao, nagbakasyon muna sila sa Amsterdam at nagkagulatan nga raw sila nina Direk Jun Lana na naroon para sa ilang inaayos nito sa mga coming movies na gagawin niya.

Anyway, back na sina Carla at Tom para sa airing ng pilot episode ng kanilang romcom mamayang gabi, ang I Heart Davao na tampok si Carla bilang si Hope na ang transplant heart ay mula sa dating girlfriend ni Ponce (Tom) na naaksidente.   

 Magkakaroon kaya ng ‘lukso ng puso’ kina Hope at Ponce, paano naman ang talagang boyfriend ni Hope na si Paul (Benjamin Alves)? Pangako nina Carla, Tom, at Benj noong presscon, wala raw malungkot na eksena ang kanilang te­leserye, kundi punung-puno ng katatawanan at pag-iibigan.

“Hindi lamang iyon, ipakikita namin ang kagandahan ng Davao, na akala natin ay famous lamang sa durian at mangosteen, pero mas ipinagmamalaki pala nila roon ang cacao na pinagmumulan ng tsokolate at tayo raw ang number two sa pagpu-produce ng cacao at number two rin sa paggawa ng chocolate,” sabi ni Tom.

“Kaya isang malaking chance ang ibi­nigay sa amin ng GMA News & Public Affairs na siyang producer ng aming romcom, na simulan namin ang mga ganitong teleserye.”

Mataas ang expectation ng production na magugustuhan ng mga manonood ang naiibang concept na ito dahil gusto rin nilang i-feature ang iba namang lugar sa bansa na dapat ipagmalaki dahil marami talagang magagandang lugar sa Pilipinas. Isa pa, miss na si Carla ng televiewers after ng kanyang Because of You with Gabby Concepcion at si Tom naman sa Someone To Watch Over Me. Si Benj ay katatapos din lamang ng afternoon prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Ang I Heart Davao ay isinulat ni Chris Martinez, sa direksyon ni Marlon Rivera at mapapanood mamayang gabi, pagkatapos ng My Love From The Star.     

Dabarkads break muna sa Hong Kong

Bakasyon grande ang Dabarkads sa Hong Kong. Blow-out ito ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE, Inc. at APT Entertainment. 

Kahapon ng umaga nakitang umalis na sina Pauleen Luna-Sotto, Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, Anjo Yllana, Maine Mendoza at ilang staff ng show. At ngayong umaga naman aalis sina Alden Richards at iba pang Dabarlads.

Last Monday to Wednesday, nag-taping na ang show ng mga episodes na ipalalabas nila starting today, Monday to Wednesday. Babalik na rin ang Dabarkads sa June 28, dahil live na sila sa Thursday at si Maine ay mayroon nang event sa Puregold at si Alden naman ay may Boardwalk event na rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with