Sanya ninerbyos sa Canada

Sanya Lopez

MANILA, Philippines - Unang beses lumipad ni Sanya Lopez papunta sa ibang bansa nang mag-show sa Canada, kaya nadala siya ng mga kwentong mahirap makapasa sa immigration.

Dinapuan ng kaba ang Kapuso actress dahil sa takot na baka ma-deny siya sa pagpasok sa eroplano. 

“First time ko kasi talaga mag-out of the country. Ngayon lang ako naka-experience na ini-interview. Medyo nakakanerbyos dahil paulit-ulit ‘yung mga tanong, tapos wala pang kahit isang tatak ‘yung passport ko. Pagkalampas ko naman dun, in-enjoy ko na ‘yung buong stay ko.”

Kinilig din si Sanya dahil sa pagpunta niya sa Canada, kilala siya bilang si Danaya ng Encantadia. Ito raw ang binaon niya mula sa unang overseas trip niya at nagpapasalamat siya sa show na nagbigay sa kanya ng ganitong break. Siguradong mami-miss ni Sanya ang pagganap bilang Danaya.

Marian game nang bumulaga sa TV

Kagagaling lang sa bakasyon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at game na game na siyang muli na lumabas sa telebisyon.

Siya ang magsisilbing host ng pinakabagong programa ng GMA 7 na Tadhana kung saan isasabuhay ang iba’t ibang kwentong OFW.

Ayon kay Marian, nagulat siya nang siya ang kuning host ng nasabing show at talagang tinanong niya sa mga producer kung bakit siya ang kinuha. “Nakakataba ng puso na meron silang ganoong klase ng tiwala sa akin, kaya nagpapasalamat ako na binigyan nila ako ng ganitong show,” pagbabahagi pa ni Marian.

Tampok sina Kris Bernal at Cherie Gil sa pinakaunang episode nito ngayong Sabado, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA.

Show comments