Balang binigyan ng social media award!

MANILA, Philippines -  Dahil sa pagpapakitang gilas niya sa buong mundo, ginawaran ang Kapuso child star na si Balang ng Phenomenal Kid Internet Sensation Award ng Philippine Social Media Awards. Matatandaang nagpalaganap ng kakyutan ang child star nang mag-viral ang kanyang video kung saan napakabibo at napakalambot ng pagsasayaw niya ng All About That Bass na siyang napansin ng American TV Host na si Ellen DeGeneres.

Mula nang mag-guest si Balang sa The Ellen DeGeneres Show ay nasundan na ito ng iba’t ibang imbitasyon mula sa iba pang TV show sa ibang bansa at doon ay pinakita niya ang talentong Pinoy.

Bukod sa mga ito, proud din si Balang na natupad na ang pangarap niyang maging official Zumba instructor.

Kiko hooked na sa pagma-‘marathon’  sa Mulawin

Pinaghahandaan nang husto ni Kiko Estrada ang kanyang pagganap sa inaabangang Mulawin vs. Ravena, at sinisikap niyang paghusayan ang kanyang preparations. Isa sa kanyang paghahanda para rito ay ang pagma-marathon—pero hindi sa pagtakbo kundi ang panonood sa 2004 version nito.

Habang pinapanood niya ang first version ng Mulawin, mas lalong nai-excite ang Kapuso star at aminado siyang hooked na siya sa kwento nito. Kaya abangan natin kung paano niya bibigyang buhay ang karakter ni Rafael sa Mulawin vs. Ravena. Exciting!  

Show comments