Piolo takot maging lolo!

Piolo Pascual

Hindi na mapilit si Piolo Pascual na magsalita tungkol sa kung ano ang tunay na status sa kanila ni Shaina Magdayao. Katuwiran ni Papa P sa isang interview, baka mapagalitan na naman daw siya.

Hindi binanggit ni Piolo kung si Shaina ang su­misita sa kanya.

Paliwanag ni Papa P na ayaw niyang masabihan muli na ginagamit si Shaina na naaapektuhan din kapag kinukulit ang aktor. Hindi tuloy maiwasan ng ibang netizens na mag-comment sa pagri-react ni Shaina na ma-link kay Papa P. Sinasabing choosy pa si Shaina kay Papa Piolo samantalang lahat ng mga babae at pa-girl ay nagtitili sa karisma at kagwapuhan ng aktor. Samantalang matagal na raw single ang aktres na ang huli pang nakarelasyon ay si John Lloyd Cruz.

Basta  busy muna si Papa P sa kanyang career at pokus sa anak nitong si Inigo kaysa sa  mga bad comment sa social media.

 Samantala, aminado rin si Piolo na pinapagalitan din siya ni Inigo kapag nagkukuwento ito ng lovelife ng anak.  Kaya silent na ang drama ni Piolo pagdating sa love issue ng anak. Ang hangad lang ni Piolo na patuloy na maging maayos ang career ni Inigo at the same time ay mag-enjoy  ang anak sa kanyang buhay.

Malaki ang takot lang ni Papa P na magkaanak si Inigo nang wala sa oras.

Show comments