D’ Originals, reresbak na sa 17!

MANILA, Philippines -  Simula ngayong April 17, reresbak na ang mga kinakaliwang misis sa sexy dramedy series ng GMA Network na D’ Originals. 

Ang D’ Originals ang latest Afternoon Prime offering ng Kapuso Network tungkol sa kuwento ng tatlong misis at ng mga babaeng mambubulabog sa kanilang dating tahimik na buhay.

Pinangungunahan ni 2016 Cannes Best Actress Ms. Jaclyn Jose, kabilang din sa mga bidang misis sina 2016 Gawad Urian Best Actress na si LJ Reyes at ang Bagong Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo

Kasama rin sa sexy dramedy series na ito sina Katrina HaliliJestoni AlarconMark HerrasMeg ImperialArchie Alemania, at Lovely Abella

Sa serye, gagampanan ni Jaclyn ang domestic diva na si Josie, na ang galing sa kusina ay tila matatapatan ng kanyang karibal na bibigyang-buhay naman ni Katrina. Gaganap bilang asawa ni Jaclyn si Jestoni, ang dating loyal na mister na matutukso at magkakaroon ng affair sa karakter ni Katrina.

Madiskarte naman sa buhay ang karakter ni LJ na si Marge. Mapipilitan siyang maging breadwinner ng pamilya nang mawalan ng trabaho ang asawang bibigyang-buhay ni Mark. Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang nasa bahay at naghihintay ng break ang character ni Mark, magiging malapit ito sa ate ni Marge na gagampanan ni Lovely. 

Samantala, seksing Zumba instructor ang role ni Kim na si Sofia. Sanay man sa pambababae ng asawang gagampanan ni Archie, hindi kakayanin ni Kim ang latest woman sa buhay ng mister. At mukhang lalala pa ang lahat sa revelation ng other woman na gagampanan ni Meg. Ang pasabog ng kabit, kayanin kaya ng karakter ni Kim?

Ang sexy dramedy na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix, Jr. Kasama rin sa stellar cast ang Kapuso artists na sina Mikoy Morales, Arny Ross, Elyson De Dios, at Chlaui Malayao.

Simula na ng harapan ng orig at ng kabit sa seryeng hindi lamang puno ng hugot kundi siksik rin ng katatawanan. Huwag palampasin ang D’ Originals simula April 17 sa GMA Afternoon Prime. 

Show comments