Kathryn nag-react sa ginawa nina John Lloyd at Angel!

It was revealed already na sina Angel Locsin and John Lloyd Cruz ang magsisimula ng seryeng La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Sequel ang La Luna Sangre ng Immortal na pinagbidahan noon nina Lloydie at Angel kaya sila ang mapapanood sa pilot week ng serye ng KathNiel para lang ma-establish ang pagpapatuloy ng kwento.

Dahil dito, sobrang thankful nina Daniel at Kathryn kina Lloydie at Angel at anila, malaking bagay daw ang pagpayag ng dalawa para mag-cameo sa serye nila.

“Sila naman talaga ang original, di ba? So, syempre, sobrang nagpasalamat kami sa kanila at nabigyan nila ng oras ang pag-cameo and du’n sa gagawin nila, eh napakalaking parte para sa teleserye kaya gusto naming magpasalamat ng buong puso kay Mr. John Lloyd and kay Miss Angel Locsin,” sabi ni Daniel.

Pahayag naman ni Kathryn, nang malaman daw niya na may appearance sa La Luna Sangre sina Lloydie at Angel ay sobrang ikinatuwa raw at ikinakilig niya.

“Kasi, parang may blessing nila, eh. Sila ‘yung pinaka-original talaga. From John Lloyd and kay Ate Angel na ‘yung pilot, sila ang gagawa niyan, and alam natin na ‘yung sa case ni Ate Angel, hindi na siya pwede sa mga fight scenes, ganyan, pero still, gagawin niya ‘to for La Luna and of course, nandyan din si Direk Cathy (Garcia-Molina) for the pilot kaya nakakatuwa kasi nakikita mo ‘yung suporta ng lahat para rito sa La Luna kaya grabe ‘yung pasasalamat.

“Talagang kinilig ako nu’ng sinabi na willing sila gawin ‘yung pilot,” sabi ni Kathryn.

Pinaghahandaan na nang husto ng KathNiel ang La Luna Sangre dahil magsisimula na silang mag-taping nito pagkatapos ng showing ng pelikula nilang Can’t Help Falling In Love na magbubukas sa sinehan ngayong April 15. In fact, kinailangan pang mag-train ni Kath ng Muay Thai para sa seryeng ito.

Max sana na walang oras si Pancho

Si Max Collins ang isa sa iilan nating artista na napagsasabay successfully ang career at love life. Four years na ang relasyon nila ni Pancho Magno (anak ng GMA-7 executive na si Redgie Acuna-Magno at isa ring Kapuso actor) nang walang ka-hassle-hassle kaya sabi namin sa kanya, pwede pala  naman pala ‘yun.

“Pwede pala (pagsabayin ang career at love life),” pag-agree niya.

“Well, busy rin siya. Pareho kaming busy. ‘Yung time namin, ano lang, pag may time. Pag may free day siya and may free day din ako, saka lang kami nagkikita. Pero kahit hindi, nag-uusap naman kami. So, okay lang. Understood naman na ito lang ‘yung panahon na busy kami,” pahayag ng young actress.

Hindi naman nagiging issue sa kanila ang oras?

“Hindi naman, kasi sanay na kami. Siya, busy siya, tapos ako, busy rin ako, eh wala kaming magagawa.”

Hindi naman ito nagseselos sa career niya?

“Hindi naman. Sanay na siya,” sey ni Max.

Pero kahit four years na ang relasyon nila, hindi naman daw siya minamadali ni Pancho to get married considering na 30 na ito.

Max is only 24 at siyempre, hindi pa siya ready to settle down.

Samantala, excited si Max na pumunta sa New York this month dahil nominated ang huling teleseryeng ginawa niya with Lovi Poe and Tom Rodriguez na Someone to Watch Over Me sa GMA 7 sa New York Festival’s International Television and Film Awards 2017 for the World’s Best TV and Films Competition. Gaganapin ang awarding sa April 25.

Show comments