Aminadong gumagamit ng marijuana sa abroad Rafael ‘di takot ma-tokhang

Vegan si Rafael Rosell kaya it’s a must na vegan din ang babae na makakarelasyon niya para magkasundo sila.

Matagal nang vegan si Rafael as in hindi siya kumakain ng isda o karne kaya maganda ang pangangatawan niya.

Nainterbyu si Rafael ng entertainment press sa Nisce Skin ‘N Face Clinic sa SM Megamall noong Sabado dahil celebrity endorser siya ng clinic ng sikat na beauty doctor na si Dra. Edna Talavera-Nisce.

Late na nang dumating si Rafael kaya hindi na kami nagpang-abot. Ni hindi nga niya nasimulan ang orientation tungkol sa mga bonggang beauty machine ng Nisce, ang Sygmalift Facelift at ang OxyGeneo 3-in-1 Super Facial na siguradong susubukan niya bilang endorser nga siya ng Nisce.

At dahil hindi kami nagkita, naikuwento na lang sa akin ang mga sinabi ni Rafael tungkol wish niya na maging legal sa Pilipinas ang paggamit ng marijuana.

Kahit hindi pa nahahalal na pangulo si Papa Rody Duterte, malaki ang pananalig ni Rafael sa medical marijuana dahil nakakatulong ito sa mga tao na may mga sakit na matitindi.

Knows ni Rafael ang sinasabi niya dahil dalawa sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang pinagaling ng cannabis oil. Maraming pralala si Rafael tungkol sa health benefits ng marijuana dahil nag-research siya nang todo.

Hindi afraid si Rafael na madamay siya sa Operation Tokhang ng Duterte administration dahil hindi naman siya gumagamit sa Pilipinas ng marijuana na illegal sa bansa natin.

Birthday ng apo ni Lorna may swerte

Mag-aaral sa susunod na taon sa isang private school ang apo ni Lorna Tolentino na si Tori.

Malabo nang maging artista si Tori kapag nag-aral na siya sa private school na tinutukoy ko dahil ipinagbabawal dito ang mga estudyante na nag-aartista.

Therefore, on hold muna ang showbiz career ng apo ni LT na carbon copy niya.

Saka hindi naman masyadong interesado si Tori sa acting dahil mas type niya na kumanta. Yes, aspiring singer at may talent sa pagkanta si Tori na gumagawa ng sariling concert niya sa young age na anim.

Sa lahat ng mga apo ng mga sikat na artista, ang birthday ni Tori ang madaling tandaan dahil isinilang siya noong November 11, 2011. Pinaniniwalaan na may suwerte na hatid ang birthday ni Tori na 11-11-11.

Taping nina Jennylyn at Gil wala nang break

Tuluy-tuloy ang taping ng Tagalog adaptation ng sikat na Koreanovela na My Love from the Star na tinatampukan ni Jennylyn Mercado at ng aspiring actor na si Gil Cuerva.

Alam ko ang taping schedules ng My Love from the Star dahil kasama sa cast si Renz Fer­nandez, ang bunsong anak ni LT.

Biggest break sa telebisyon ni Gil ang My Love from the Star. Nalaman ko na former talent pala si Gil ng Mercator Talent Management Agency ni Jonas Gaffud pero iba na ang namamahala sa career niya.

Hindi naman nanghinayang si Jonas sa pagkawala ni Gil sa poder niya dahil hindi na nga siya magkandaugaga sa pamamahala sa mga career nina Pia Wurtzbach, Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Fabio Ide at marami pang iba.

Show comments