Daniel nakinabang sa kanyang katahimikan

Keep quiet ang payo ni Jonas Gaffud sa kanyang talent na si Da­niel Matsunaga kaya hindi ito nagsalita tungkol sa break up nila ni Erich Gonzales.

Tama ang advice ni Jonas kay Daniel dahil less talk, less mistake. Kung nagsalita si Daniel, lalong magiging malaki ang isyu.

Kita n’yo naman, hindi na pinag-uusapan ang paghihiwalay nina Da­niel at Erich dahil natabunan na ito ng higit na pasabog na mga showbiz scandal at controversy.

For this week, ang reklamo ng mga empleyado ng Tourism Promotions Board laban kay Cesar Montano ang top showbiz news pero siguradong lilipas din ito kapag lumitaw ang mas maaanghang at maingay na eskandalo sa entertainment industry.

A Dog’s Purpose puro positive ang review

Puro good reviews ang nababasa ko tungkol sa A Dog’s Purpose, ang pelikula na tungkol sa reincarnated dog ang kuwento.

Tinatamad ako na pumunta sa mga sinehan para manood ng mga pelikula kaya hihintayin ko na lang na ipalabas sa TV ang A Dog’s Purpose na hindi ko puwedeng palampasin dahil dog lover ako.

Or aabangan ko na lang ang paglabas ng original DVD copy ng pelikula para ma-enjoy ko sa sariling bahay ang panonood nito. Mabilis nang mag-release ng mga DVD copy ng Tagalog at Hollywood films dahil inuunahan ng mga movie producer ang mga film pirate.

Jodi at Jolo bagay na magkatuluyan

Kahapon ang 29th birthday ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

As usual, good health at more blessings ang mga birthday wish ko para sa second son nina Lani Mercado at Bong Revilla.

Nasubaybayan ko ang paglaki ni Jolo kaya isa ako sa makapagpapatunay na mabuting bata siya at higit sa lahat, faithful na boyfriend.

Hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga alaga ko pero boto talaga ako kay Jodi Sta. Maria para makatuluyan o maging lifetime partner ni Jolo.

Maraming beses ko nang na-witness ang pagmamahal at pag-aasikaso ni Jodi kay Jolo kaya alam ko na magiging maganda ang relasyon nila kung silang dalawa ang magkaka­tuluyan.

Ito naman ang birthday message para kay Jolo ng kanyang loving at prayerful mother na si Lani.

“Pinakamamahal kong anak-Ramon Jolo Revilla, Maligayang Kaarawan. Panalangin ko sa ating Panginoon na pa­ngalagaan ka Niya at patuloy na gabayan. Kahilingan ng bawat ina na laging mapabuti ang kanyang anak. Sana ay maabot mo ang kaganapan ng iyong mga pangarap sa buhay. Salamat sa iyong pagmamahal sa amin ng iyong Papa.”

Show comments