Maine, beach ang regalo sa sarili!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 7, 2017 - 12:42am

Balik-taping na sina Maine Mendoza at Alden Richards para sa teleserye nilang Destined To Be Yours kahapon sa Dolores, Quezon.  Last week kasi ay two days silang walang taping in preparation sa birthday celebration ni Maine sa Eat Bulaga at nag-barangay pa sila last Friday.

Nagkaroon pa rin ng time si Maine na makapag-beach kasama ang mga kapatid niya sa Bataan last Saturday, after ng EB. 

Beach lover talaga si Maine, kaya iyon daw ang bonus gift niya sa sarili niya.

Barbie hindi pa raw bagay sa FHM

Nakapagkuwento na si Barbie Forteza tungkol sa pagsusuot niya ng two-piece bikini sa ilang eksena ng Meant To Be nang bumisita kami sa taping nila ng mga leading men niyang sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorcshner at Addy Raz. 

Mabuti at pinayagan siyang mag-bikini ng parents niya, especially ng daddy niya, sa eksenang kinunan sa isang magandang beach sa Batangas City.

“Iyon pong isinuot ko sa eksena na kasama ko ang four leading men ko, hindi po iyon sa production,” say ni Barbie.  “Bikini top at shorts lang dapat ang isusuot ko pero nang makita ni daddy, sabi niya sa akin, ‘iyan ba ang isusuot mo, tatlong linggo kang hindi kumain, pinaghirapan mo ang pagpapapayat  tapos magso-shorts ka lang,’  Kaya parang si daddy pa ang namili kung anong two-piece bikini ang isusuot ko. (sundan sa pahina 5)

 “Natuwa naman ako dahil that day ng taping si daddy ang kasama ko at the whole time na nagti-taping kami, nandoon lamang siya, kaya feeling comfortable naman ako kahit first time lamang akong nagsuot ng bikini sa TV. Nagsusuot ako noon, pero personal na lakad lamang namin ng family ko sa beach.”

Samantala, natanong namin ang dalawa niyang leading men na sina Ken Chan at Jak Roberto, dalawa sa matagal-tagal na rin niyang kasama sa GMA kung papayag silang mag-pose na sa men’s magazine si Barbie dahil marami nang humihikayat sa kanyang maging cover girl ng FHM.

“Nang makita kong nagsuot ng bikini si Barbie, napa-wow ako,” sabi ni Ken. “Ganoon pala siya talaga kaputi at ka-sexy. Kahit kaya na pala niyang gawin iyon, ayaw ko pa siyang mag-pose sa men’s magazine.  Alam ko hindi rin siya papayag.”

“Para ko nang little sister si Barbie,” sagot naman ni Jak.  “Pero huwag muna, bata pa naman siya.  May right time para mag-pose siya sa isang men’s magazine.”

Nababasa raw ni Barbie sa social media na pwede na siyang mag-pose sa FHM, at kung kaya niyang gawin, pwede naman pero ayaw daw niya.

“Wala po sa isip ko na gawin iyon.  Concentrate na lamang ako sa work ko every Sunday sa Sunday PinaSaya at dito sa Meant To Be.”

 

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with