Kris at Kim nagkagulatan!

Nagkagulatan sina Kris Aquino at Kim Chiu nang magkita sila kahapon sa SMX Convention Center para sa National Sales Conference ng isang fast food chain na kapwa iniendorso nila.

Sa totoo lang, nagbabalik ang Chinita Princess bilang bahagi ng food chain family. Panganay nga ang tawag ni Kris kay Kim na winelkam sa post niya.

Akala naman ni Kim, magpi-perform lang siya sa event. Pero nagulat siya nang bigyan siya ng mai­nit na welcome dahil hindi inakalang magbabalik siya sa lumalaking family ng food chain.

Coleen sinusulit na ang pagbubuyangyang ng katawan

Sinusulit ni Coleen Garcia ang pagiging single kahit na nga engaged na siya sa boyfriend na si Billy Crawford.

Saksi ang dagat sa Balesin Island Club sa pagpapakita ng alindog ni Coleen sa bakasyong ginawa kasama ang ilang kaibigan. Humamig ng maraming likes ang sexy poses niya sa kanyang Instagram account.

Kapag nakasal na nga naman siya kay Billy, mababawasan ang pagpapakita ni Coleen ng kanyang alindog dahil exclusive na ‘yon sa mga mata ni Billy, huh!

‘Mundo’ ni Sen. De lima, liliit na?!

Mas mabilis talaga ang social media sa mga paglabas ng balita kumpara sa mga radio at TV news programs.

Ang hinihintay ni Senator Leila de Lima na pagsampa ng kaso ng Department of Justice ay nai­sagawa na kahapon. Sa isang Regional Trial Court sa Muntinlupa isinampa ang tatlong kasong criminal kaugnay ng illegal drug trade sa National Bilibid Prison.

Ibig sabihin, may nakitang probable cause ang DOJ. Pero may remedy pa naman ang senadora. Puwede siyang maghain ng motion para sa judicial determination of probable cause.

Kaya pala kahapon, ang sorority sisters ni Sen. Leila ang nagsama-sama upang suportahan ang kapatid sa sorority.

Naku, kapag naisyuhan ng warrant of arrest, detention ang punta niya. Palibhasa senadora, hindi basta-bastang isasama siya sa mga nasa preso.

Kung sa Camp Crame idi-detain si Sen. Leila kung sakaling hindi mapaboran ng korte ang mos­yon niya, hindi naman siguro siya sa detention center na kinalulugaran nina Senator Bong Revilla at Jing­goy Estrada, huh!

Remember, naging bahagi rin si Sen. de Lima ng pagdi-detain sa dalawang senador, huh!

 

Show comments