Kris at Angelica sumikat kina Donna at Carlo J
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 19, 2017 - 12:00pm

Tiyak, Salve A., na sa tuwina ay naaalaala ni Kris Aquino ang kasalukuyang nakaburol na ngayong si Donna Villa at ang asawa nitong si Direk Carlo J. Caparas, na siya ang talagang nagbigay sa kanya ng biggest break sa pelikula.

Kung ilan din kasing massacre movies ang ginawa ni Kris for the couple’s film firm, Golden Lions Films, kabilang na rito ang The Vizconde Massacre at Delia Maga.

No wonder, na nagkaroon siya ng tatak bilang Massacre Queen. Ito’y bukod sa titulo ni Kris na Horror Queen at Queen of All Media.

Malaki rin ang masasabing utang na loob ni Angelica Panganiban kina Donna at Direk Carlo.

Si Angelica ang child actress na pinili ng mag-asawa para gumanap na anak ni late Liezl Sumilang-Martinez sa Antipolo Massacre.

Gumanap din si Angelica na anak ni now Lipa Representative Vilma Santos-Recto sa The Lipa Massacre.

In both films, kung tama ang pagkakaalala ng aming kausap, nanalo si Angelica ng best actress trophy.

Hanggang Friday, January 20, ang wake ni Donna sa Cosmopolitan Memorial Chapel, Crematory of the Ascension, Araneta Avenue, Quezon City.

Bong at Jinggoy nagdadalamhati

Lungkot na lungkot, Salve A., si former senator Bong Revilla, nang makarating sa kanya ang balitang binawian na ng buhay si Donna.

Kung ilang pelikula din kasi ang ginawa niya for Golden Lions Films. Pati na rin ang kanyang amang si dating Senator Ramon Revilla, Sr., whose one significant film with Donna and Direk Carlo’s film outfit was Rizal Alih.

Ganundin si former Senator Jinggoy Estrada, na umapir din sa ilang pelikula ng mag-asawa.

Both former Senators Bong and Jinggoy are still detained at the PNP (Philippine National Police) Custodial Center in Camp Crame.

They are both praying fervently for the repose of the souls of Donna.

From us, Donna, too, may you rest in peace.

Arci hindi isinasara ang puso sa ex

Sinabi ni Arci Muñoz na nagsimula na siyang mag-move on, kahit lubha rin siyang nasaktan sa break-up nila ng kanyang boyfriend of almost four years na si Badi del Rosario, na isa ring rakista gaya ni Arci, bago ito nag-full time bilang artista.

Anak si Badi ng Brunei Prince na si Jefri Bolkiah.

Sabi ng aktres, ie-enjoy daw muna niya ang pagiging single bago siya muling umibig.

As Arci said in an interview, ‘di rin niya binabale-wala ang possibility na magkabalikan sila ni Badi, since naging maganda naman daw ang kanilang break-up, bukod pa sa they have remained good friends to date.

Kasalukuyan pang showing ang movie ni Arci na Extra Service, co-starring her with Coleen Garcia, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, Vin Abrenica at Enzo Pineda. Direction: Chris Martinez.

Ejay pinagsigawang naging sila ni Ellen

Speaking of Ejay, inamin niya sa kanyang interview with Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda (TWBA), na yes, naging “sila” ni Ellen Adarna na nakapareha niya sa series na Pasion de Amor.

Ngayon ay split na sila. Si Ellen ngayon ay nali-link sa bunsong anak ni President Digong Duterte na si Baste.

May bago ring magandang girlfriend si Ejay, si Jana Roxas na dati ring nag-showbiz.

Kasama pala si Ejay sa cast ng The Promise of Forever, co-starring him with Paulo Avelino and Ritz Azul. Part of the movie was shot in Europe.

 

KRIS AT ANGELICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with