Miss guam na may dugong Pinoy, dinidedma!

Mula nang dumating sa Pilipinas ang mga kandidata sa 65th Universe, puro sina Miss Colombia, Miss Thailand, Miss Brazil at Miss USA ang mga nababasa ko sa diyaryo at napapanood sa TV.

Walang news tungkol kay Miss Guam Muneka Joy Cruz Taisipic na may dugong Pinay kaya nakapagtataka na hindi siya masyadong napapansin ng Philippine media.

Mabuti pa si Miss New Zealand Tania Dawson dahil napabalita ang pagbisita niya sa kanyang mga kamag-anak sa Pangasinan. Tulad ni Miss Guam, may Filipino blood si Dawson at nakatira sa Pangasinan ang mga kamag-anak ng nanay niya.

Nang dumating siya sa Pilipinas, inuna ni Dawson ang pagdalaw sa kanyang mga kamag-anak dahil tiyak na magiging busy siya sa activities ng Miss Universe 2016 sa mga susunod na araw.

Kung nabigyan ng importansya ng Philippine media si Dawson, bakit hindi si Miss Guam na sa pangalan pa lang, Pinay na Pinay na?

Edu binili ang unang gabi

ng Dirty Old Musical

Sa mga naghahanap kay Edu Manzano, makikita n’yo siya bukas, January 19, sa Music Museum.

Bukas ang simula ng rerun ng Dirty Old Musical. Hindi kasali si Edu sa cast ng nagbabalik-Music Museum na musical play pero siguradong naroroon siya dahil binili niya ang unang gabi ng show.

Napanood ni Edu noong 2016 ang Dirty Old Musical at gandang-ganda siya sa palabas kaya may-I-buy niya ang first night rerun ng musical play nina John Arcilla, Nonie Buencamino, Bo Cerrudo, Carlo Orosa at Robert Seña.

Knowing Edu, personal na aasikasuhin niya ang mga manonood ng Dirty Old Musical. I’m sure, naka-relate si Edu sa kuwento ng blockbuster musical dahil nangyayari ito sa tunay na buhay.

Julie Anne dalagang Pinay  pag kaharap si Benjamin

Girl na girl si Julie Anne San Jose sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa at ito ang napansin ng entertainment writers.

Kapalit ni Julie Anne sa presidential table si Benjamin Alves, ang rumored boyfriend niya at ang aktor ang pinaghihinalaan na dahilan kaya dalagang Pinay ang image ng singer-actress sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Happy ang fans ni Julie Anne dahil nali-link siya kay Benjamin na ideal boyfriend para sa kanila. Kahit papaano, nabura at nakalimutan na raw ang isyu tungkol kay Julie Anne at sa isang aktor na natsismis sa kanya na itatago natin sa initials na RFJ.

Victor Neri malaki na ang ipinayat

Ang pagpayat ni Victor Neri ang napuna ng mga reporter sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Malaki na raw ang ipinayat ni Victor as in hindi na parang manas ang mukha niya.

Konting diet at exercise na lang, malapit na raw bumalik ang dating itsura ni Victor na isa nang mahusay na chef at active na uli ngayon sa showbiz.

Asawa ni Jean Garcia ang role ni Victor sa afternoon soap ng GMA 7. Sa movie version ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, si Eddie Garcia ang patriarch pero sa television adaptation, si Jean ang matriarch. At least, parehong Garcia ang mga apelyido nila ‘di ba?

Show comments