Camille nag-ala Princess Sarah ang lovelife!
PIK PAK BOOM - Jun Nardo (Pang-masa) - January 17, 2017 - 12:50am

Ipinagmamalaki ni Camille Prats ang pagkakaroon niyang muli ng tsansa para sa panibagong happily ever after na buhay.

Kasal na si Camille sa bagong asawa at Mrs. Yambao na siya. Sa Instagram post niya, larawan siya ng bagong kaligayahan at inihatid niya ang nararamdamang damdamin sa caption niya kasama ang asawa.

“Gaya ng mga prinsesa sa fairy tales,  si @camilleprats na minahal ng Pilipino bilang Princess Sarah, dumaan din sa matinding pagsubok nang gupuin ng cancer ang kanyang mister. Pero matapos maghilom ang mga sugat, ang ating prinsesa, muling nabigyan ng tsansa para sa isang panibagong happily ever after.”

Ipinalabas sa Kapuso Mo Jessica Soho ang bagong buhay pag-ibig ni Camille at maraming naantig sa love story nila ng asawa.

Alden ginawang Quiapo ang Cebu

Eat Bulaga to Cebu to Solaire Resorts & Casino sa Pasay City. ‘Yan ang naging schedule ni Alden Richards na nagtapos sa kanyang 25th birthday cele­bration na inihandog ng kanyang mga fan.

Sa social media posts ng fans ng Pambansang Bae naglabasan ang kaganapan sa 25th birthday ni Alden. Isa sa bumirit ng kanta ay si Rita Daniella.

Biggest surprise that evening ang pagdating ni Maine Mendoza. Nakuhanan siya ng picture na bumeso sa lola ni Alden. No wonder, unforgettable ang 25th birthday ng Pambansang Bae sa sorpresang inihandog ng kanyang loyal fans.

Senior actor binastos sa billing ng pelikula

Nakadama ng pagkainis ang malalapit sa isang magaling na senior actor nang hindi man lang siya binigyan-importansiya ng producers sa bagong pelikulang natapos.

Mas bata man ang bida kesa sa senior actor, mali naman ‘yung kung saan-saan na lang inilagay ang name ng aktor sa billing, huh!

Tapos na sa ganitong sitwasyon ang senior actor. Tutal naman, mas napapansin ang galing niya kesa sa puwesto ng billing niya sa poster at sa movie.

‘Yun nga lang, ayon sa close ng aktor, respeto naman daw sa name ng senior actor ang importante dahil marami na siyang naging achievements sa showbiz, huh!

Samantalang ‘yung bida eh, wala pang masyadong napatunayan kahit guwapo siya!

 

CAMILLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with