Mas juicy daw habang tumatanda Uge wet na wet kay Joel Torre!

Long time crush ni Eugene Domingo si Joel Torre. High school palang siya eh matindi na ang pagkagusto niya sa premyadong actor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagtatangi niya kay Joel.

Ngayon nga ay si Joel ang isa sa kapareha niya sa festival entry ni Uge na Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ng Quantum Films. Indie hero ang role ng aktor sa movie. Kaya lalong sumigla ang komedyana sa pagbabalik niya sa big screen.

“Si Joel Torre? I-bleep ninyo na lang. He’s a fu--ing good actor. He is my indie hero. Parang namula ako sa paggawa ng pelikula, lalo na ng indie film kay Joel Torre.

“Tribute ko ito kay Joel Torre kasi crush ko siya. Oo, siya ang long time crush ko. High school pa lang ako tapos indie hero ko pa siya, tapos nakasama ko pa siya sa mga soap sa ABS-CBN.

“Up to this day, crush ko pa rin siya. Habang nagkakaedad, lalong gumuguwapo. Juicy talaga. ‘Di ba dapat yummy?

“Eugene Domingo nasarapan kay Joel Torre! Hayan, may pang-headline ka na! Pero totoo ‘yon. Matagal na niyang alam na crush ko siya. Siya nga ang tunay na pag-ibig ko sa Marina,” pahayag ni Eugene.

Huling ginawa ni Uge ang The Barber’s Tale kung saan nagwagi siya bilang Best Actress sa Tok­yo International Film Festival. Ngayon lang uli siya bumalik sa screen.

“By choice ‘yun dahil kailangan kong magpahinga pero tuloy pa rin naman ang TV shows ko. Perfect timing naman ang paggawa ko ng Septic Tank 2 na sequel because everybody here is so inspired! Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family mo­vies this Christmas!” pagmamalaki ni Eugene.

Kung sa unang Septic Tank ay indie movies ang in-spoof, sa part 2, romcom movies naman ang in-spoof nila. Isa rin si Jericho Rosales sa leading men niya at mula sa direksyon ni Marlon Rivera ang pelikula.

Take note, Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pagbabalik ni Eugene as Eugene Domingo, huh!

Elmo siguradong sising-sisi Janine nagbuyangyang ng katawan!

Napapayag na rin si Janine Gutierrez na ilantad ang kanyang kaseksihan. Eh, kalaway-laway naman pala ang alindog ni Janine sa pictorial niya bilang 2017 calendar ng isang multinational company ng gasoline, huh!

Two-piece kung two piece ang suot ng panganay ni Lotlot de Leon at ‘yung kurba ng katawan, ba­lingkinitan talaga, huh! Tiyak na sising-sisi si Elmo Magalona dahil pinakawalan niya si Janine!

Nagulat siyempre ang lahat sa daring pictorial ng Kapuso actress. Imagine, walang kabala-balita tungkol dito. But at least, hindi alak ang endorsement niya na ‘pag calendar girl ang isang artista, madalas na nakadikit ito sa sari-sari store o kaya sa comfort rooms ng bawat bahay, huh!

Show comments