Juday istrikto sa mga anak pagdating sa gadgets

Kung tutuusin ay may karapatan na si Judy Ann Santos-Agoncillo na magpaka-diva o mag-demand, pero nananatili pa ring humble ang aktres hanggang ngayon. Katunayan, hindi itinatanggi ni Juday sa isang interview na siya pa ang na­kiusap para mapunta sa kanya ang role ni Juanita sa pelikula nitong Kusina na isa sa entries sa Cinemalaya Full Length Feature sa direksiyon ng Palanca awardee na si David Corpuz at ni Direk Cenon Palomares. Kasalukuyan itong pinalalabas sa mga sinehan ngayon.

Bukod sa magandang kuwento ay naka-relate rin si Juday dahil passion nito ang pagluluto.

Samantala, ang bilis lumaki ng bunso nila ni Ryan Agoncillo na si Baby Luna na napaka-cute. Kuwento ni Juday ay walang selos factor sa kuya nitong si Lucho at talagang feel na feel nito ang pagiging kuya kay Baby Luna na willing gawin ang lahat para sa bunso ng pamilya.

Pareho palang disciplinarian sina Ryan at Juday, pero hindi sila sabay sumisita sa kanilang mga anak. Banggit ni Juday hindi puwedeng sabay silang magbunganga at kailangan may isang manahimik.

Pero pagdating sa mga gadget ay aminado si Juday na consistent siyang mahigpit sa pagkokontrol ng paggamit ng mga bagets. Ito’y para maging productive ang kanilang mga anak. Ayaw daw kasi niyang lumaking “monsters” ang mga anak kung maghapong nakababad sa kanilang gadgets.

Show comments