Jennylyn hindi pinanghihinayangan si Alden
Vir Gonzales (Pang-masa) - September 3, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - May mga reaksyon kaming nasasagap na hindi kawalan kay Jennylyn Mercado kung hindi man sang-ayon ang ibang fans ng AlDub sa naudlot na tambalan nila ni Alden Richards. Ang katwiran ng iba, malaking artista si Jennylyn at naging Best Actress na. Bukod pa riyan ay naging cover na rin siya ng men’s magazine. Walang mawawala kay Jennylyn sakaling hindi man sila magkatambal ng Pambansang Bae sa movie o teleserye.

Sa totoo lang, kay Maine Mendoza lang naman ipinapareha si Alden. Baka magsawa naman ang kanilang mga tagahanga. Wala pong forever na tambalan. Wala pong ganu’n!

Baby Baste pantanggal umay sa EB

Pahaba na raw nang pahaba ang kalyeserye ng Eat Bulaga kaya medyo bugnot na ang ibang nasa studio. Imagine nga naman, kay tagal nilang nakapila sa Broadway Centrum para makapasok sa studio ng EB pero pagkaraan ng ilang portions ng pakontes ay biglang papasok na ‘yung kalyeserye na iba naman ang location para panoorin ng live audience sa studio. Ngayon, mahahalata na humahaba na naman ang istorya dahil puro kuwentuhan lang nina Jose Manalo at Wally Bayola. Mabuti raw sana kung ipasok na si Paolo Ballesteros para maiba naman ang eksena.

‘Yung kiligan naman daw nina Alden at Maine, palagi na lang ‘yun ang eksena. Mabuti na lang at may bagong putahe sa pag-enter ni Baby Baste na child wonder ng GenSan.

Papangitan uso sa show ni Willie

Kapansin-pansin na unti-unti nang lumalaki ang exposure sa Wowowin ng dating dancing queen sa telebisyon na si Ana Feliciano. Matagal din siyang nawala buhat nang matsugi ang programa ni Willie Revillame sa TV5. Sikat na sikat na sana noon si Ana na reyna ng mga dancer sa programa ni Willie.

Well, ngayong bumalik na sa Kapuso Network ang Wowowin, tila muling mabubuhay ang siglang nawala sa reyna ng mga sayaw.

Nakakaaliw manood ng Wowowin, kung sa ibang programa kasi ay pagandahan ng sayaw at bihis pati na rin ang hitsura, sa programa ni Willie ay kabaliktaran. Mas nagki-click kasi kapag sabukot ang buhok at maasim ang mukha dahil tiyak mapipili kang contestant sa araw na iyon.

                                        

PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with