Budget na $11-M iba ang sumagot: Miss U sa ‘Pinas hindi gagastusan ni Digong

Sure na sure nang idaraos sa Pilipinas ang Miss Universe 2016 at mangyayari ito sa January 30, 2017.

Walang gagastusin ang gobyerno sa Miss Universe 2016 at kung meron man, konti lang sigu­ro dahil pumayag ang mga private sector na sagutin ang malaking budget na kailangan.

At least, hindi mararanasan ni Pia Wurtzbach ang nangyari kay Gloria Diaz nang isalin nito sa kanyang successor ang  Miss Universe crown noong 1970.

Na-feel ni Gloria na parang dedma na ang karamihan sa kanya nang matapos ang reign niya dahil may bagong winner na.

Hindi mararanasan ni Pia ang personal experience ni  Gloria dahil sa Pilipinas at hindi sa ibang bansa ang venue ng Miss Universe 2016 kaya pareho pa rin ang treatment sa kanya ng mga kababayan natin.

Coleen na-shock sa kabaklaan ni Billy

Ikinuwento ni Billy Crawford sa presscon kahapon ng That Thing Called Tanga Na na nagulat ang kanyang girlfriend na si Coleen Garcia nang malaman nito ang mga ginawa niya sa pelikula.

Hindi pa napapanood ni Coleen ang gay movie ni Billy pero ikinuwento nito ang mga eksena niya sa upcoming movie ng Regal Entertainment Inc.

Inamin ni Billy na selosong boyfriend siya pero hindi siya nagseselos sa mga nakakapareha ni Coleen sa pelikula at telebisyon.

Kung sakaling magpakasal sila ni Coleen, payag si Billy na ipagpatuloy ng dyowa niya ang pag-aartista  pero nakadepende pa rin ang desisyon sa kanyang girlfriend.

Billy allergic sa mga beki

Dahil tungkol sa mga kaba­dingan ang kuwento ng That Thing Called Tanga Na, tinanong si Billy ng mga reporter kung naranasan niya na ligawan ng bading.

Matunog na hindi ang sagot ni Billy na hin­di allergic sa mga miyembro ng third sex dahil lumaki siya na napapaligiran ng mga baklita. Four years-old si Billy nang magsimula ang showbiz career niya.

Alice super bilad ng katawan kahit 47 na!

Kung kahapon ang 75th birthday ni Susan Roces, kahapon din ang 47th birthday ni Alice Dixson na forever young ang itsura.

Walang maniniwala na three years na lang, golden girl na si Alice dahil physically fit siya at bagets-looking pa rin.

Marunong lang talaga si Alice na mag-alaga ng katawan at siyempre, in love siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na isang chef. Saksi ako sa lovelife ni Alice noong hot property pa siya ng Regal Films pero ayoko nang ungkatin ang nakaraan dahil past is past.

Noynoy wala raw respeto sa dating teacher

May mga hindi natuwa sa pang-iisnab ni Noynoy Aquino kay ex-President Gloria Macapagal-Arroyo nang magpang-abot sila sa Malacañang Palace noong Miyerkules.

Wish ng bashers ni Noynoy, nagpakitang-galang sana siya sa kanyang dating teacher, kung hindi niya  magawa na irespeto ang female president na  limang taon na ipinakulong ng administrasyon niya.

Pinupuri naman si Mama Glo dahil hindi siya affected sa naging treatment sa kanya ng ex-student niya.

Show comments