AiAi pwede na ulit pakasal!

AiAi delas Alas

Umaray na naman ang bashers ni AiAi delas Alas nang mag-post sa kanyang Instagram account ng desisyon ng korte at idineklarang puwede na uli siyang mag-asawa.

Binigyan ng recognition ng korte ang petisyon ni AiAi na bigyang bisa ang divorce decree mula sa Nevada State kaugnay ng kasal nila ng dating asawa na si Jed Salang. Wala kasi tayong diborsyo kaya nag-petition si AiAi sa korte na bigyan ng recognition ang decree.

Nagtagumpay naman si AiAi. Official single na siya’t ipinost niya ang papel sa IG account niya. Siyempre, meron pa ring bashers na ayaw siyang maging maligaya kaya ma­a­ang­hang na komento na naman ang ipinahatid nila kay Ai.

Natural, dedma lang ang Comedy Concert Queen. Siya lang ang mai-stress kapag patola siya sa mga ito.

“Meron na akong karapatan to remarry praise GOD,” text sa amin ni AiAi.

Panganay ni Jose malapit nang maging doctor

Maangas man tingnan si Jose Manalo bilang komedyante, mabuti pa rin siyang ama sa mga anak sa unang asawa.

Patunay nito ang naglabasang report na ang panganay niyang anak na si Myki Manalo ay magiging ganap na doctor na.

Tanging ang dalawang anak na lalaki lang ang exposed sa limelight dahil kapwa sila nag-aartista. Matipid magpahayag ng damdamin si Jose sa nararating ng mga anak subalit alam naming proud na proud siya sa achievements nila.

Maramdamin nga lang ang naging pahayag ni Myki sa post niya sa Facebook. Bihira man silang magkita ng ama eh, nandoon pa rin ang pagmamahal sa ama kahit minsan eh nagkaroon sila ng falling out.

Hindi lang namin sinasang-ayunan ang nasulat sa isang website na dahil sa pagkakaroon ng relasyon sa ibang babae kaya naghiwalay si Jose at nanay ni Myki. Kumalas na si Jose sa asawa dahil sa mga kasong kinasangkutan ng huli kung saan nadawit siya, huh!

SP nag-sorry sa kapulisan

Humingi ng paumahin sa kapulisan kahapon ang nasa likod ng Sunday PinaSaya kaugnay ng episode last June 26 kung saan nagkaroon ng pagkakamali sa suot na uniporme ng pulis.

Binasa si Jerald Napole ang statement at nanga­kong magiging mai­ngat na sila sa bagay na may kinalaman sa ating pulis.

Mabuti pa nga ang SP, agad humingi ng apo­logy, huh! Eh ‘yung nasa likod ng Channel 2 series ng Ang Probinsyano, nagmatigas pa nu’ng una sa kamaliang nagawa. Nirarason pa nila ang cinema­tic license pero sa bandang huli ay humingi rin ng dispensa, huh!

Pero nu’ng bumisita si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa network, nagkakagulo sila na makapagpakuha ng picture sa heneral. Pati na si Coco Martin na bida ng series eh, nag-set pa ng appointment upang personal na makaharap si Gen. dela Rosa, huh!

The height ng kaplastikan, huh!

Show comments