Richard game makipagtsugian kay Jean

Richard Yap

After 11 years, babalik sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa China para mag-shooting ng ilang parts ng Mano Po 7-Chinoy and this time, kasama naman nila ang latest Regal Baby, si Richard Yap, dahil kung sa mga naunang Mano Po series ang story ay nakasentro sa mga babae, ngayon, sesentro naman ito sa buhay ng isang ama na gagampanan ni Richard. 

Nagpasalamat si Richard na sa kanya ini-offer ang movie dahil ilang Mano Po movies na rin ang napanood niya, iyong one with Zsa Zsa Padilla na Legal Wife at ang Mano Po 6 ni Sharon Cuneta. 

Gagawin daw niya ang lahat para ma­­gampanan nang tama ang kanyang role.  Ngayon pa raw lamang nakikita na niya ang kanyang Chinese family sa ga­ga­wing pelikula.  Nabanggit din ni Richard na ang isa sa kilala niyang Regal Baby noon ay si Gabby Concepcion at madalas siyang manood noon ng mga Regal Shockers.

Proud sina Mother Lily at Roselle na tinanggap ni Richard ang offer nila matapos ang maayos na pagpapaalam nito sa Star Cinema kaya ginawa na ang contract signing noong Wednesday. 

Ayon kay Roselle, nakaplano na itong isali sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.  Since finish pro­duct na ang mga movies na isa-submit sa screening committee, ngayong July ay magsisimula na silang mag-shooting dito at sa August naman sila magsu-shooting sa China. 

Nagpasalamat sila na sa halip na sa September isa-submit ang finish product, ini-extend na ito ng MMFF Executive Committee ng October 31, 2016, kaya mas may oras silang tapusin ito for submission.

Biniro si Richard paano kung may love scene ba siyang gagawin sa story dahil wife niya si Jean Garcia.  Para kasing napaka-wholesome ng roles na nagawa niya.  Natawa siya, ikinuwento pa raw lamang sa kanya ang story pero wala pa ang script, kaya hindi pa niya alam ang kabuuan ng story.  Pero kung kailangan daw talaga, bakit naman hindi, hindi na naman siya bata at gagam­panan nga niya ang role ng isang ama na isa sa mga anak niya, si Janella Salvador.

Hindi pa buo ang cast, sabi ni Mother Lily dahil hinihintay pa nila ng sagot ng mga artistang kinausap nila.  Pero ang movie ay ididirek ni Ian Lorenas mula sa script ni Senedy Que.

MMFF magkakaroon na rin ng People’s Choice Awards

Bongga naman ang launch ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) last Wednesday na ginawa sa SMX Convention Center sa MOA, sponsored by SM.  May hashtag na #reelvolution, inilahad ni MMDA Chairman Emerson Carlos ang six-month events hanggang sa pagdating ng pagsisimula ng festival sa December 25 at ang ilang pagbabago tulad nang kung ginagawa ang awards night three days after the opening, ngayon ay gaganapin na ito sa huling araw ng festival, sa January 8, 2017, at magkakaroon din ito ng additional awards, tulad ng People’s Choice Awards.

Mga host ng gabi sina Iza Calzado at Epi Quizon, humarap din sa press at sumagot ng mga tanong ang iba pang MMFF executives na sina MMDA Chairman Carlos at Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo at Wilson Tieng. 

Magkakaroon pa raw ng series ng press confe­ren­ces para malinawang mabuti ang mga pagbabagong matagal nang hinihingi ng mga taga-industriya.

Show comments