^

Pang Movies

Humahabol sa JaDine, Alden may libro na rin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mahilig magbigay ng regalo sa isa’t isa ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Kaya naman hindi nawawala ang pagiging sweet nila sa isa’t isa na siyang ikinatutuwa ng kanilang fans, ang AlDub Nation.

Noong nagsu-shoot sila sa Italy para sa pelikulang Imagine You & Me, niregaluhan ni Maine si Alden ng isang black Tuscan bracelet.

Ipinagmalaki nga ito ni Alden nang minsang ma-interview siya tungkol sa matching bracelet nila ni Maine.

“This black Tuscan bracelet was given to me by Maine when we were in Italy.

“She also has this one. It is a black Tuscan St. Be­nedict bracelet,” sey ni Alden.

Kasama na ang naturang bracelet sa kanilang friendship bracelet na binigay nila sa isa’t isa noong nagbakasyon sila sa Boracay nitong nakaraang summer lamang.

Kasalukuyang busy si Alden para sa recording ng kanyang second album sa ilalim ng GMA Records. May ilalabas din siyang libro para sa July para mas makilala siya ng kanyang mga fans.

Joey Generoso at Nina first time magsasama

Noong 1985 pa sumikat ang Side A at sa loob ng 30 years, kahit na nag-solo na ang lead vocalist na si Joey Generoso, natutuwa ito dahil pagtuloy na nagiging paborito ng marami ang kanilang mga naging awitin.

Patunay lang na ang mga pinaghirapan nila noon ay nagbibigay saya sa maraming tao hanggang ngayon.

“I have always credited the long years of hard work na pinagdaanan namin before we made a big name.

“‘Yung mga panahon na nagsisimula pa lang kayo at binabayaran kayo ng 50 pesos per gig. Pinagdaanan namin ‘yan.

“Kaya when you reap all these blessings after so many years of working hard, alam mong you deserve it kasi nagtrabaho ka ng maayos at tama,” ngiti pa ni Joey.

Naghahanda si Joey G. para sa kanyang Music Museum show with Soul Siren Nina on July 1 titled Versions & Verses.

Ito nga raw ang first time na makakasama niya si Nina sa isang full concert kaya marami ang matutuwa sa mga song na aawitin nila.

“I’ve worked with Nina sa ibang shows. We do duets in the past pero hindi tulad nito na isang buong show.

“Nina is one of our singers who can really make a song her own. Kaya nga she is called the Soul Siren because she sings with her whole heart and soul.”

For tickets for Versions and Verses, just call 09178063349 and 09228581058.

Hollywood couple na sina Nicole Kidman at Keith Urban, naka-10 taon na

Nag-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang mag-asawa ang Hollywood actress na si Nicole Kidman at ang country singer na si Keith Urban.

Unang nagkakilala ang dalawang Australian stars sa 2005 G’Day USA kung saan pinarangalan ang mga Australian sa Los Angeles.

Inabot daw ng apat na buwan bago tawagan ni Keith si Nicole.

“I’m like, ‘You didn’t love me at first sight, you didn’t notice me,’ and he’s like, ‘Yes I did but I just didn’t let on,’ but we kind of met and then about four months later he called me,’” pag-alala pa ni Nicole.

“I kind of like getting married and then getting to know each other; I know that it sounds incredibly strange, but to me, it’s a more natural process.”

Dalawa ang naging anak nila na sina Sunday Rose at Margaret Faith.

Naging malaking pagsubok nga raw sa pagsasama nila ay ang pag-amin ni Keith na meron siyang cocaine and alcohol addiction.

Nang minsan mag-check in si Keith sa Betty Ford Center para magamot ang kanyang alcohol addiction, pinakansela ni Nicole ang kanyang press tour para sa kanyang pelikula para masamahan sa naturang rehab center ang kanyang mister.

“Definitely we both met each other exactly at the right time,” sey pa ni Keith.

“She said early on that she wanted to be brave with me. I feel there was something else at work, bringing us together and then just continuing to watch over us.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with