^

Pang Movies

Mommy Pinty ni Toni atat nang maging lola

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masaya at excited si Mommy Pinty Gonzaga na malapit na siyang maging lola.

Kung noon ay tahimik lang si Mommy Pinty tungkol sa pagbubuntis ng anak niyang si Toni Gonzaga, ngayong nagkukuwento na ang actress/TV host tungkol sa nalalapit niyang pagiging isang ina, very vocal na rin ang kanyang ina.

Madalas ikuwento noon ni Mommy Pinty na gustung-gusto na niyang magkaroon ng apo.

May mga pagkakataon nga na hinihiram nila ang isang batang pamangkin dahil masaya raw sa kanilang bahay kapag may bata.

Lovi wala nang kontrata sa GMA, pero walang planong lumipat

Pagkatapos um-attend ng kasal ng kaibigang si Solenn Heussaff kay Nico Bolzico, nagliwaliw naman si Lovi sa Europe.

Pupunta rin siya sa Dubai, United Arab Emirates para sa isang show.

Pagbalik ng ‘Pinas, aasikasuhin naman ni Lovi at ng kanyang management team ang tungkol sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA 7.

Yes, walang balak lumipat ng ibang TV network si Lovi.

Kung matatandaan, muntik na ring mag-TV5 noon si Lovi, pero napigilan ‘yon at nag-renew siya ng kontrata sa Kapuso network.

Ang bilis talaga ng panahon dahil renewal na naman ng kontrata niya ang pinag-uusapan ng management team ni Lovi at ng GMA 7 executives.

Pag-uusapan na rin ang tungkol sa bagong teleserye na gagawin ni Lovi na included na sa bagong kontratang pipirmahan niya!

Annabelle hindi nakuntento sa pagiging produ, nag-volunteer na ring maging production manager

Bukod sa pagiging producer ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, si Annabelle Rama na rin ang production manager ng 4th season ng reality TV series ng kanyang pamilya sa E! international channel.

Para mas may control daw siya sa budget, inako na rin ni Bisaya ang posisyon na ‘yon.

Sabi ni Bisaya, mas natututo na raw siya pagdating sa production budget dahil nasasanay na siya sa 4th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Kuwento nga niya, balak niyang mag-production manager na raw sa pelikula.

Anyway, marami raw “pasabog” ang pamilya Gutierrez para sa 4th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with