‘Filipino Pride’ Jaclyn pinadapa ang mga Hollywood actresses sa Cannes, Andi mega proud sa ina!

Filipino pride ang tweet ni Andi Eigenmann sa panalo ng inang si Jaclyn Jose bilang Best Actress ng Cannes International Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa.

Hinila ni Jaclyn si Andi paakyat ng stage nang tanggapin niya ang karangalan. Siya ang unang Filipino na nagwagi ng acting award sa prestihiyosong international festival.

“My very own mother, to be the first ever Filipino to win the Best Actress Award at the Cannes Film Festival.” Ito ang unang tweet ni Andi.

Kasunod nito : “Filipino pride, Ma’ Rosa herself wins best actress at the Cannes Film Festival! Congratulations to my mom, the Jaclyn Jose!!!”

Tinalo ni Jaclyn ang Hollywood actresses na sina Kristen Stewart, Marion Cottilard at Charlize Theron. Ayon sa report, may mga kritikong hindi sang-ayon sa panalo niya. Pero sinangga agad ito ng jury member na veteran Hollywood actor, si Donald Sutherland.

“The critics were wrong. It’s big-time leading role,” quote kay Sutherland. Ayon naman sa isa pang member ng jury na si Arnauld Desplechin, “She’s is the film and she broke my heart.”

Ngayong araw na ito, isang grand welcome ang handog ng GMA Network kay the Jaclyn Jose!

Mga inhaler, mefenamic acid at alcohol nagkalat sa venue ng concert

Nagkalat pala ang mga inhaler, bote ng alcohol at mefenamic acid packaging sa unang imbestigasyon ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa SM MOA grounds kaugnay ng pagkamatay ng limang tao sa Close Up Forever Summer event.

Buti na lang, wala sina James Reid at Nadine Lustre sa nasabing event dahil may concert sila sa States. Sila kasi ang endorser ng nasabing produkto.

Kaugnay ng trahedyang ito, isang kongresista ang humiling sa Kongreso na imbestigahan ang pangyayaring ito kahit na nga naglabas na ng statement ng organizer ng event.

Imelda hindi matanggap ang pagkatalo, naghain ng protesta

Ayaw paawat ni Imelda Papin sa kanyang laban! Nag-file na siya ng election protest kaugnay ng pagkatalo niya bilang kongresista sa Camarines Sur sa isang Fuentebella. Nadaya umano siya sa halalan.

Naalala tuloy namin si Aga Muhlach nang tumakbo rin sa Kongreso. Mabigat din ang nakalaban niya mula sa angkan din ng mga pulitiko.

Pero sa bandang huli, hindi na inilaban pa ni Aga ang protesta niya. Hindi naman kasi ganoon kasimple ang mag-file ng protest dahil malaking pera rin ang kailangang gastusin.

Mapanindigan sana ito ni Imelda, huh!

Show comments