Mga artistang tumakbo sa pagka-mayor, halos lahat nanalo
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 24, 2016 - 12:00am

Maliban kay Daisy Reyes, who run for mayor ng Pateros, halos lahat ng artistang tumakbo ng mayor sa ilang key lugar sa Metro Manila ay nanalo.

Well, these are former President-turned-Manila Mayor Joseph Estrada, na re-elected uli bilang Mayor ng Manila, Herbert Bautista, na re-elected din sa Quezon City, Mayor Dan Fernandez ng Sta. Rosa, Laguna at Lani Mercado ng Bacoor, Cavite City.

Si Richard Gomez naman ang bagong mayor ng Ormoc City.

Talunan si former senator Lito Lapid, who run for mayor ng Angeles City.

Janice siyam ang alagang aso

Talaga palang dog lover si Janice de Belen.

Do you know that Janice has nine pet dogs? They include a Golden Retriever, a Saint Bernard, a Yorkshire Terrier, a Shih Tzu and a Chow Chow, na kanya nang alaga sa loob ng 11 years.

Kaya naman, sinigurado niya na ang kanyang newly-built house ay dog friendly.

Nanatiling busy with projects si Ja­nice, mapa-pelikula o TV.

Kasalukuyan siyang kasama sa pre-afternoon series na Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Former fellow Regal baby plays her husband in Be My Lady.

Pagbubuntis ni Pauleen pinaka-aabangan

Ang dami palang preggy ngayon maliban kay Mariel Padilla, who is three months on the family way, according to her husband, Robin Padilla.

Well, alam nating buntis sa kanilang panganay si Chynna Ortaleza, wife ni Kean Cipriano. And, of course first baby din nila ni Direk Paul Soriano ang dinadala ni Toni Gonzaga.

Nagdadalang-tao din si Diana Zubiri. At ganundin si Charisse Ong, asawa ng basketbolista at TV host na si Chris Tiu.

Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang pagdadalang-tao ni  Pauleen Luna ng kanilang panganay ni Bossing Vic Sotto.

May apat nang anak si Bossing Vic, sina Danica at Oyo, kids niya with first wife,  Dina Bonevie, Paulina, anak niya kay Angela Luz, and Vico (mother, Coney Reyes), bagong halal na Konsehal ng Pasig City.

Robin pwedeng kalihim ng DSWD

Going back to Robin, based on his perfor­mance bilang isa sa apat na judges ng katatapos lang na Pilipinas Got Talent (PGT), na kinabibilangan din nina Vice Ganda, Angel Locsin and former ABS-CBN President FMG, damang-dama mo ang pangnanais niyang maka-uwi with prize ang bawat contestants na sumali.

Na sa totoo rin naman, kung sabagay, ay pawang magagaling.

But, as in all contest may isa lang na winner.

In the end nga ang nag-win ay ang Power Duo.

In any case, ang unusual kindness na ipina­malas ni Robin in his capacity as judge ng PGT, should serve as a food for thought for incoming President Digong Duterte, whom Robin openly supported in the last elections.

How about a cabinet position for him in the Duterte administration as Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary, in place of Secretary Dinky Soliman?

Yes, why not, Robin?

Kaso hindi si Toni ang host Bahay ni Kuya magbubukas na ulit

Wow, Salve A., let’s all welcome back with open arms ang pagbabalik muli sa himpapawid ng puwedeng ituring na pinaka-popular reality search show (for future stars), ang Pinoy Big Brother (PBB).

Ewan nga lang kung ang muling magiging main host ng program ay si Toni Gonzaga, na halatang-halata na ang pagdadalang-tao.

Raymund Dizon is the Business Unit head ng PBB. He happens to be the ‘brain’ too behind The Voice Kids.

Keep up the good work, Sir Raymund. 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with