Kumpirmadong nangunguna Pelikula nina James at Nadine P15-M sa unang araw!

Congratulations sa Viva Films dahil pinipilahan sa box office ang This Time, ang romantic movie nina James Reid at Nadine Lustre na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Tumataginting na P15 million ang walang padding na box office gross ng This Time sa unang araw nito sa mga sinehan.

Todo-suporta sa James-Nadine movie ang kanilang mga tagahanga kaya confirmed na number one loveteam ngayon ng bansa ang JaDine.

Nakakahinga na ng maluwag sina James at Nadine dahil malakas nga sa takilya ang pelikula nila na umaani ng mga papuri mula sa moviegoers.

Puwede nang mag-concentrate sina James at Nadine sa ibang commitments nila dahil certified blockbuster ang This Time.

At dahil happy ang Viva Films sa resulta sa box office ng This Time, naglabas sila ng official statement tungkol sa pelikula na mas bongga ang kita kesa monster hit na Diary ng Panget:

“This Time grossed P15m yesterday exceeding all expectations. “This is JaDine’s highest opening day gross! More than doubling their last one. We expect the film’s box office to sizzle even more during this weekend given that the movie has been rated G for the entire family. Also helps that we got Graded A assuring all viewers of the film’s excellent quality.”

Na-survive na kasi ang isyung bading at lasenggo Sen. Chiz sinisiw lang ang intrigang sapakan

Hindi na affected si Senator Chiz Escudero ng tsismis na nagsapakan sila ni Neil Llamanzares, ang asawa ni Senator Grace Poe.

Imbes na mapikon, dedma lang si Papa Chiz sa isyu na walang katotohanan dahil good friends sila ng Llamanzares couple. Hindi na naaapektuhan si Papa Chiz ng mga intriga, black propaganda at smear campaign dahil siya na rin ang nagsabi na naranasan na niya noon na ma­tsismis na lasenggero at bakla.

KC palaging hinahanap kay Kiko!

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong dahil hindi raw nila nakikita si KC Concepcion sa mga napapanood nila na campaign video ng kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan.

Hindi naman ako nakapunta sa thanksgiving at post 20th wedding anniversary dinner nina Kiko at Sharon Cuneta sa Celebrity Sports Plaza, kahit invited ako ni Chuck Gomez dahil iniiwasan ko na mapuyat at lumabas tuwing gabi.

Hindi isyu para sa akin na missing in action si KC sa campaign videos ni Kiko dahil baka busy siya sa kanyang mga showbiz commitment.

Puwede rin na pareho ng ugali sina Kiko at Edu Manzano na ayaw na inaabala ang kanilang mga anak.

Kita n’yo naman, hindi inoobliga ni Edu na ipangampanya ni Luis Manzano ang senatorial candidacy niya.

Sure winner naman si Kiko sa senatorial race sa Lunes dahil hindi nawawala ang pangalan niya sa mga survey ng Top 10 senatoriables.

Suportado ng mga magsasaka at mangingisda ang kandidatura ni Kiko na farmer din sa tunay na buhay kaya alam na alam niya ang mga problema ng mga tunay na bayani dahil sila ang mga provider ng ating mga kinakain sa araw- araw.

‘Gustung-gusto kong makita si Heart’

Magkasunod ang thanksgiving dinner nina Kiko at Senator Chiz Escudero noong Miyerkules.

Nanghihinayang ako dahil hindi ko rin nasipot ang event ni Papa Chiz at ng misis nito na si Heart Evangelista.

Gustung-gusto ko pa naman na makita at makakuwentuhan si Heart na nakasama ko nang matagal sa Startalk.

Show comments