Derrick wala nang interes kay Maine

Inamin ni Derrick Monasterio na dumami ang bashers niya noong ma-link ang pangalan niya kay Maine Mendoza.

Nabalita kasing nakita silang dalawa na magkasama sa Subic. Kung anu-anong kuwento na ang kumalat at mabilis na nag-react sa social media ang fans nina Alden Richards at Maine na AlDub Nation.

Ipinaliwanag ni Derrick na walang dapat na ipag-alala ang fans nila Alden at Maine dahil hindi totoo ang balitang nililigawan niya si Maine.

“We’re not even close friends,” diin ni Derrick.

“Noong mag-guest siya sa Vampire Ang Daddy Ko, ni hindi ko nga siya nakausap. Kaya wala akong any contact numbers niya.

“Yung incident naman sa Subic, that was the GMA Trade Launch. Nakita ko lang siya roon, pero hindi naman kami nagkausap.

“Kaya natatawa na lang ako sa mga balitang kumalat na tine-text ko raw si Maine at nanliligaw ako. Walang katotohanan po iyon.

“Kaya I’m being bashed for no reason talaga.”

Gusto munang mag-concentrate sa kanyang career si Derrick kaya wala itong panahon na manligaw. Kaka-break lang daw nila ng girlfriend niyang si Yssa Pressman.

“Focus tayo sa career. I admit kapag in love ako, gusto kong parating kasama ang girlfriend ko. Akala ko mababalanse ko, pero mahirap pala.

“Kaya it’s best na wala tayong commitment sa ibang tao at committed ako sa career ko,” diin pa ni Derrick.

Happy nga si Derrick dahil maganda ang sales ng self-titled album niya na Derrick Monasterio under GMA Records. Sa mga susunod na weeks ay puno ng mall shows ang schedule niya.

“Nakakatuwa kasi pati sa digital downloads ay okey siya. Kaya I’m preparing for the mall shows na gagawin ko.

“Do I expect a Platinum record? Naku hindi po. ‘Yung maka-Gold Record nga hindi ko pa rin inaasahan. I’m just happy that my album is out and people are enjoying listening to it,” pagtapos pa ni Derrick.

Janine kinabag sa tikiman nila ni Aljur

Inabot ng matinding kaba si Janine Gutierrez dahil sa kissing scene nila ni Aljur Abrenica sa pinagbibidahan nilang teleserye na Once Again.

Inamin ni Janine na hindi sila naging close ni Aljur noong magsama sila sa show na Dangwa. Mas nakilala lang niya ng husto ang aktor nang gawin na nila ang mga eksena sa Once Again.

“Pareho kaming nahihiya sa isa’t isa. Noong Dangwa po kasi, wala kaming chance na maging close. Wala kaming bonding time kasi iba ang mga nagi­ging eksena ko.

“Dito po sa Once Again, parati kaming magkaeksena kaya mas nakilala ko si Aljur.

“Kaya noong kunan ang kissing scene namin, kinabahan ako talaga. Parang kinabagan ako!” tawa pa niya.

“Pero inalalayan ako ni Aljur. He made me feel safe sa eksena.

“Nakatulong ‘yung parating nagkakausap kami kapag break time. Mas nakilala ko siya at malalim pala talaga siyang tao.”

Show comments