^

Pang Movies

Male celebrity hindi umubra ang magaspang na ugali sa female TV host

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakaranas ng hindi magandang attitude ang female host mula sa isang male celebrity nang magkasama sila sa isang launch party para sa isang malaking kumpanya.

Host ng event ang female TV host at sumusunod lang daw siya sa instructions sa kanya ng mga namamahala ng naturang party. Kung sino ang sinabing magpi-perform na bisita, ‘yun lang daw ang tatawagin niya.

Nalokah si female TV host sa pagkaarogante ng male celebrity dahil ito pa raw ang lumapit sa kanya para sabihin na gusto na niyang sumalang dahil may pupuntahan pa siyang isa pang party.

Sinabi naman ng female TV host na hindi siya ang nagdedesisyon kundi ang mga tao ng company dahil bisita rin siya. Kung gusto raw niyang sumalang na, magpaalam siya sa mga nasa backstage dahil may mga nauna pa sa kanyang dumating.

“Bastos siya sa totoo lang. Huwag niya ako idaan sa paingles-ingles niya dahil uupakan ko talaga siya,” kuwento ni female TV host.

“Okey lang siya? Kakarating lang niya, gusto niya siya agad? Bakit? May taxi sa labas na naghihintay sa kanya? Gusto niya agad-agad?

“May lima pang celebrities na nauna sa kanya at nagtiyaga silang maghintay. Kung nagmamadali siya, eh ‘di umalis na siya. Care ko kung may taping pa siya!”

Nalaman ng female TV host na hindi basta makaalis ang maepal na male celebrity dahil bayad na pala siya at kailangan niyang mag-perform talaga.

“Naku first come, first serve ‘no!” tili ng female TV host.

“Kung maaga siyang dumating, eh ‘di sana maaga siyang natapos. Wala siyang magawa at ang alalay niya. Wait sila kasi bayad na sila. Kung mag-walkout siya, demanda ang abutin niya.”

Andre at Yassi, maraming beses nang ‘pinaghiwalay’

Nagbibilang na ang Viva Princess na si Yassi Pressman ng kanyang blessings sa taong ito.

Una na rito ay ang kanyang pagiging celebrity endorser ng ilang produkto. Nagkaroon din siya ng sarili niyang album na produced ng Viva Records.

Pero ang pinakamalaking blessing ay ang gawing bida ang team-up nila ni Andre Paras na “Yandre” sa rom-com na Girlfriend For Hire.

“When Viva gave us this project, talagang nagulat kami ni Andre.

“Kasi kami na po ang mga bida rito. Wala kaming ibang mga kasama na malalaking stars to back us up or maging poste ng movie namin.

“Kaya matindi po ang pressure—it’s a make or break thing for Andre and I.

“That’s why we did what our director (Vanessa de Leon) asked from us.

“Lahat po nang natutunan namin ni Andre sa acting workshop, in-apply namin dito sa movie.

“It took several months bago namin matapos ang movie.

“We started noong May 2015 pa. Pahintu-hinto po kami because nagkaproblema sa schedule ni Andre because he was still doing The Half-Sisters.

“Ako naman, I was doing two WattPad series with TV5 last year.

“Hindi mapagtama ang schedules naming dalawa kaya it took us a long time to finish. But we finally managed to finish the movie and we’re excited to see the final product.”

Wala raw problema ang Yandre fans sa AnBie fans nila Andre at Barbie Forteza.

“Yun naman po ang maganda sa fans namin nina Andre at Barbie. They don’t clash. They support one another dahil sa amin,” ngiti ni Yassi.

Bukod sa pelikula nila ni Andre na magbubukas na sa February, may gagawin din na bagong WattPad series si Yassi kasama si Vin Abrenica.

Ito ay para sa weekly WattPad Presents TV Movie. Pagbibidahan nina Yassi at Vin ang episode na Mysterious Guy at the Coffee Shop. Isa rin sa mga host si Yassi ng reality competiton na Born To Be A Star.

Barbie nakatanggap ng appreciation mula sa PCMP

Tumanggap ang bida ng GMA primetime te­leserye na That’s My Amboy na si Barbie Forteza ng Certificate of Appreciation mula sa Philippine Children’s Medical Center.

Naging active advocate si Barbie ng “Adopt-A-Room” project.

Noong mag-celebrate si Barbie ng kanyang 18th birthday last year, imbes na malaking debut party, ang mag-donate na lang sa Philippine Children’s Medical Center ang hiniling niya sa mga sponsors at mga fans niya.

Ang mga nalikom na donasyon ni Barbie ay diretso niyang ibinigay sa naturang children’s hospital para mapagawan ng mga kuwarto ang mga batang naka-confine roon.

Natuwa naman si Barbie sa nakalagay sa certificate:

 “In grateful appreciation for reaching out and giving hope to patients of Philippine Children’s Medical Center through Adopt A Room project and during her 18th birthday program.””

Malapit si Barbie sa mga bata ng Philippine Children’s Medical Center dahil every birthday niya ay doon siya nagse-celebrate kasama ang mga batang patients.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with