Mga contestant ng Tinig ng Maynila, parang wala nang bukas kung bumirit
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Ang first daughter ng Maynila na si Jackie Ejercito ang punong-abala sa press launch kahapon ng Tinig Maynila, ang singing contest para sa mga residente ng Maynila.

Ang function hall sa opisina ni Manila City Ma­yor Joseph Estrada ang venue ng press presentation ng contest na sinalihan ng mga Manileño na mahihilig kumanta.

Kalahating milyong piso ang premyo na matatanggap ng mga mananalo sa 1st Tinig Ng Maynila, P300,000 para sa first runner up at P200,000 ang iuuwi ng second runner up.

Pormal na ipinakilala kahapon ang 12 grand finalists ng Tinig Maynila na nagmula sa iba’t ibang distrito ng city na love na love ni Papa Erap.

Nagpakitang-gilas sa pagkanta ng acapella ang 12 grand finalists ng Tinig Maynila.

Thirteen year-old ang youngest contestant at dalawa lang ang mhin na kasali dahil the rest, puro girls.

May representative din ang LGBT community sa katauhan ng isang contestant na mala-Charice ang boses.

Kahit may bisita na ambassador si Papa Erap, nag-join siya sa presscon para i-welcome ang mga contestant ng Tinig Maynila.

Nag-enjoy si Papa Erap sa pakikinig sa pag­kanta ng mga contestant na parang wala nang bukas ang mga pagbirit.

Vic at Pauleen tutuloy sa Europe

Hindi muna mapapanood sa Eat Bulaga sina Pauleen Luna at Vic Sotto dahil pupunta sila sa Maldives para sa kanilang honeymoon.

Mula sa Maldives, tutuloy ang bagong kasal sa Europe para sa continuation ng kanilang pulot-gata.

Sa pagbabalik-bansa nila, ang paglipat sa kanilang bagong lovenest ang aasikasuhin nina Pauleen at Bossing.

Hindi naging maramot ang mag-asawa na ipakita sa Eat Bulaga ang magiging tahanan nila para sa kapakanan ng fans na tuwang-tuwa dahil humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.

Tandem timing ang showing

Timely ang showing ng Tandem sa mga sinehan sa February 17 dahil sa isyu ang riding in tandem na naghahasik ng lagim sa kapaligiran natin.

Starring sa Tandem sina JM de Guzman at Nico Antonio, ang anak ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso.

Original story ang Tandem pero sure ako na may mga makaka-relate sa mga karakter na ginampanan nina JM at Nico.

“Nagbabakasyon” somewhere si JM kaya hindi siya makakatulong sa promo ng kanilang pelikula kaya sina Nico at Rochelle Pangilinan lamang ang magre-remind sa publiko tungkol sa Tandem.

BJ hindi naranasang magpahinga

Bida rin sa Tandem ang former child actor na si BJ Forbes.

Binatang-binata na si BJ nang makita ko siya kahapon sa presscon ng Tandem. Se­venteen years old na pala siya, nag-aaral at  may sariling musical band.

Hindi katulad si BJ ng ibang mga child star na nawala sa sirkulasyon dahil hindi siya dumaan sa awkward stage.

Ang sey ni BJ, tuluy-tuloy ang kanyang showbiz career kaya hindi niya naranasan na magpahinga sa pag-arte.

ACIRC ANG EAT BULAGA HINDI JOJI ALONSO JOSEPH ESTRADA MALDIVES MGA PAPA ERAP TANDEM TINIG MAYNILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with