Yassi umaapaw sa rami ang trabaho
Jun Nardo (Pang-masa) - January 27, 2016 - 9:00am

Kainggit-inggit ang takbo ng career ngayon ng Viva Princess na si Yassi Pressman. Aba, hindi pa man ipinalalabas ang hosting niya sa Viva talent show na Born To Be A Star, heto at kasama siya sa isang episode ng Wattpad Presents, ang Mysterious Guy at the Coffee Shop. Tapos, may movie pa siyang Girlfriend For Hire na ilalabas sa February 10 na kapareha si Andre Paras.

“Dumaan din po kasi ako sa time na hinahanap ko ang projects. Pag dumarating siya, talagang sini-savor ko ‘yung project na ‘yon.

“Saka ‘yung mga projects ko naman ngayon, iba-iba kaya super-exciting. Hindi siya pare-parehas ang ipapakita. Like ‘yung Born to be a Star nga po, naghu-host ako sa reality singing competition. ‘Yung VJ naman, chill lang.

“Tapos, ‘yung pelikula namin, iba naman. Tapos, ito, interesting and exciting ang kuwento namin. So very happy. Sana huwag kayong magsawa sa akin! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Yassi sa presscon ng movie.

Eh, type yata talaga niyang humabol din sa maraming schedules ni Nadine Lustre, huh!

“Hindi naman po. Pero grabe ‘yung world tour nila. Inggit ako sa kanila. I think two or three months na iikot sila sa buong mundo. Galing!” rason pa ni Yassi.

Ang Viva TV na ang may production ng Wattpad Presents. Simula sa Pebrero 6, Sabado, isa’t kalahating oras na itong mapapanood at ang episode nina Ella Cruz at Akihiro Blanco na Avah Madita ang unang handog. Kasunod nito ang episode nina Yassi ay Vin Abrenica sa Pebrero 13.

Then ‘yung kuwentong My Soul Mate from Another Planet ni Bianca King at ang My Cassanova Husband ni Meg Imperial.

Masayang ibinalita rin sa presscon na mapapanood din tuwing Sabado nang gabi ang MTV Top 20 Pilipinas na ihu-host ni VJ Aryanna.

Heart sumabak na rin sa cooking classes

Kakaririn talaga ni Heart Evangelista ang pagkakaroon niya ng cooking show. So kahit tambak ang schedules, sumabak siya sa cooking classes kasama ang kapatid na si Cam Ongpauco at pinsang si Happy Ongpauco-Tiu na isang magaling na chef.

Marami siyempre ang bumilib sa sipag ni Heart dahil bukod sa magaling nang aktres, panalo rin siya bilang painter.

Malay natin, lumutang ang isang magaling na chef sa katauhan ng wife ni Sen. Chiz Escudero kapag natuto siya nang husto.

Matatandaan na last year, inanunsyo ni Heart na magkakaroon sila ng cookbook ng Mommy Cecille niya. Alam niyang wagas sa galing magluto ang iba na halimaw sa pagluluto. Kaya naman daw kinasasabikan na niya ang paggawa ng kanilang cookbook, huh!

Sa Star World Asia mapapanood ang cooking show ni Heart na Foodtrip kasama ang celebrity chef na si Stefano Medicci. Inaabangan syempre ang guesting ni Sen. Chiz sa show ng asawa lalo na’t aminado ang aktres na mas magaling sa kanyang magluto ang husband, huh!

Kylie nag-iba ang asal dahil sa BF!?

Nagtataka ang ilang entertainment press sa inaasal ngayon ni Kylie Padilla sa tsismis na boyfriend na niya si Julian Trono. Naging mailap siya sa pagsasabi ng totoo sa relasyon nila ng young actor/singer unlike nu’ng mga nakaraang relasyon niya na very vocal siya, huh!

Very transparent kasi si Kylie sa kanyang nararamdaman.

Hindi rin niya naitatago ang nakakarelasyon na nasubaybayan din ng media. But this time with Julian, bigo ang press na makakuha ng kumpirmasyon sa anak ni Robin Padilla.

Base sa nakarelasyon, mas type daw ni Kylie ang lalaking mas bata sa kanya. May mga nanligaw man sa kanyang mas may edad sa kanya, ang mas bata pa ring lalaki sa kanya ang tipelya niya, huh!

Kung hindi kami nagkakamali, 22 years old na si Kylie sa last birthday niya. Si Julian naman ay 18 years old. Hindi man kalayuan ang agwat ng edad, mas matanda pa rin ang Kapuso actress, huh!

Feeling ng ibang writers, na-develop marahil si Kylie kay Julian na kasama niya sa Buena Familia.

‘Yun nga lang, kaya tiklop ang bibig ng aktres, nandoon pa rin yata ang takot sa ama na gusto niya kapag nagpakilala si Kylie ng bagong minamahal eh siya nang pakakasalan ng anak, huh!

Speaking of Buena Familia, aba, muling pinagkatiwalaan ng GMA 7 ang namahingang aktor na si Cogie Domingo, huh!

Balita nga, maagang dumarating sa set ng aktor at nakakapag-deliver daw siya nang maayos sa lahat ng kanyang mga eksena.

 

ACIRC AKIHIRO BLANCO ANDRE PARAS ANG ANG VIVA HUH NIYA SIYA TAPOS WATTPAD PRESENTS YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with