Meg niloko ng ex na maimpluwensiya at super yaman!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 27, 2016 - 9:00am

How ironic na hindi pala kilala ni Meg Imperial ang mister ni Ciara Sotto na si Jojo Oconer pero na-drag siya sa hiwalayan ng dalawa.

Kwento nga ni Meg sa presscon kahapon ng Wattpad Presents ng TV5, nag-search pa raw siya tuloy kung sino si Jojo Oconer.

“Sinearch ko siya, to the point na sinearch ko siya, kung sino siya,” natatawang sabi ng  aktres.

“Hindi ko nga rin po alam kung bakit (siya na-involve), hindi ko rin po alam kung paano nangyari, kung saan ‘yung source nila, pero sobrang layo po talaga,” she said.

Wala raw talaga silang koneksyon dahil unang-una hindi pa niya nakakatrabaho si Ciara at pangalawa, hindi pa nga raw niya nami-meet ang mister nito.

“So, ako rin po, palaisipan sa akin kung paano naano (nakonek), kasi never ko pong i-involve ang sarili ko sa isang married man kasi kung ako man magkaroon ng relasyon, siyempre gusto ko, ako lang,” pahayag pa ni Meg.

Katatapos lang ni Meg sa isang relasyon kaya wala raw siyang boyfriend ngayon. Four months pa lang silang break ng ex niya na non-showbiz guy pero rich at maimpluwensiya sa lipunan na siyempre ay ayaw na niyang pangalanan pa.

Naging mabilis daw ang pagtatapos ng kanilang relasyon dahil nagbago ang guy at parang nawalan ng respeto sa kanyang ina.

“Nagkaroon siya ng broken promises na involved ‘yung parents ko, so sabi ko, hindi pwede sa akin ‘yun kasi para sa akin, unang-una, mahalin mo ‘yung magulang ko, ‘di ba? Para alam ko na kapag magtagal man tayo, hindi mawawala ang respeto mo sa kanya.

“’Yun ang naging problema do’n plus feeling ko, cassanova nga talaga siya,” say ni Meg.

Ang title kasi ng episode ng aktres sa Wattpad Presents ay My Cassanova Husband kaya nai-konek niya sa naging experience sa ex-boyfriend.

Kung sawi man siya sa pag-ibig ngayon, bongga naman ang kanyang career dahil dalawang TV projects agad ang ginagawa niya with TV5, ang seryeng Bakit Manipis ang Ulap with Claudine Barretto, Cesar Montano and Diether Ocampo at ito ngang Wattpad Presents. May gagawin din siyang pelikula.

Nilinaw ni Meg na wala siyang kontrata sa TV5 at sa Viva Entertainment lang siya may exclusive contract. Per project siya sa Kapatid network kaya pwede pa rin siyang gumawa sa ibang network partikular na nga sa ABS-CBN kung saan siya nabigyan ng big break via her launching teleserye na Moon of Desire.

Yassi mas busy na kay Nadine?!

Sa nasabing presscon ay naroroon din si Yassi Pressman na bida naman sa Wattpad Presents Mysterious Guy at the Coffee Shop. Natanong nga ang Viva Princess kung natutulog pa ba siya sa rami ng kanyang projects ngayon

Say ni Yassi, sobrang exciting nga raw para sa kanya ang mga nangyayari ngayon lalo pa nga’t iba-iba raw ang projects niya.

“Hindi siya pare-parehas like sa Born to be Star, nagho-host po ako do’n, sa reality singing TV competition, sa MTV naman, VJ (video jockey), mas chill. ‘Yung pelikula (Girlfriend for Hire with Andre Paras) po namin, mas ibang klaseng karakter. Tapos ito na kakabasa ko pa lang, interesting din ang kwento namin, kaya very excited din and very happy po.

“Sana hindi kayo magsawa na nandito po ako,” natatawang sabi ni Yassi.

Hindi ba parang mas marami siyang projects ngayon kaysa kay Nadine Lustre na kaibigan at kasabayan niya?

“Hindi naman, may world tour pa nga sila, eh. Grabe kasi ‘yung schedule nila na matatapos na ‘yung OTWOL (On the Wings of Love). Grabe po ‘yung world tour nila. Sobrang proud ako sa kanila. Parang I think, 2 or 3 months na iikutin ang buong mundo twice. Ang galing, love it,” say ni Yassi.

Samantala, sampung bagong episodes ang mapapanood ngayon sa Wattpad Presents at nag-level-up na ito dahil mas pinahaba na ang time slot nito every Saturday night, from 9-10:30pm.

Magsisimula na sa February 6 ang new season ng Wattpad Presents sa episode na pagbibidahan ni Ella Cruz, ang Avah Maldita.

ACIRC ANDRE PARAS ANG AVAH MALDITA BAKIT MANIPIS HINDI KUNG NGA SIYA WATTPAD PRESENTS YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with