Coco malakas ang laban kina Angel at Carla
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 26, 2016 - 9:00am

OA sa ganda si Coco Martin sa episode ng Ang Probinsyano last Monday kung saan ay sumali siya sa isang beauty contest bilang babae (Paloma) dahil nga sa kanyang misyon na mahanap si Carmen (Bela Padilla).

Bumuhos nga ang comment sa social media habang ipinapalabas ang episode at iisa talaga ang sinasabi nila-sobrang ganda ni Paloma, mas maganda pa sa babae.

Pinagtatalunan ng netizens kung sino ang kamukha ni Paloma. May nagsabing kahawig ni Angel Locsin at may nagsabi namang si Carla Abellana raw.

Gandang-ganda rin ang netizens sa mata ni Paloma at say ng iba, ngayon lang daw sila nakakita ng ganu’n kagandang mata.

Sa totoo lang, effort kung effort talaga si Coco para mapaganda ang kanyang serye. Say nga niya, talagang hindi na rin daw niya iniisip ang sarili niya at ang mas mahalaga sa kanya ay mapasaya ang televiewers.

Itong role niya bilang Paloma ay si Coco pala mismo ang nakaisip.

“Part din po kasi ako ng creative ng Ang Probinsyano and then, siyempre po, ina-analyze namin, like nun’g Christmas, gumawa kami ng kwento para sa Christmas and then, sabi namin, sana, by January, kailangang gumawa tayo ng magandang kwento para magising ulit ang mga tao kasi mas may time na sila, nasa bahay na sila, sabi ko, why not, gawin natin ‘yung ano, may concept ako na Taken, ikinuwento ko nga po, maki-kidnap si Bela, ganyan. Sabi ko, ang catch nito, para makuha niya si Bela, kinakailangang magpanggap siyang babae. Tapos ‘yun kinuwento ko sa Dreamscape kung paano iaano ‘yung kwento and then, nakita naman po nila, nakyutan naman sila kaya po ginawa namin,” say ni Coco.

Say pa ng aktor, noong time na gumagawa-gawa pa lang siya ng indie (independent) films, part na rin daw siya ng creative kaya nasanay na rin daw siya na mag-isip ng konsepto at ina-apply nga niya ngayon sa kanyang mga TV projects.

Claudine ibang level na ang pagiging professional

Katuwa ang kwento ni Cesar Montano na sa pagka-professional daw ngayon ni Claudine Barretto na leading lady niya sa seryeng Bakit Manipis ang Ulap?, nauuna pa raw itong dumating sa generator noong first taping day.

“Wala pang liwanag, nandun na si Claudine. Wala pang generator,” kwento ni Cesar.

Maging si Direk Joel Lamangan na direktor ng serye ay natanong kung ano ang masasabi niya sa working attitude ngayon ni Claudine at puring-puri niya ang aktres.

“I always believe in her kahit noong araw pa. When I handled her, aktres siya. Aktres siya sa tamang definition ng word na aktres. She’s very good. Lahat naman ng katrabaho ko rito, mahuhusay na aktor at magaganda ang trabaho nila bilang aktor at aktres. Naniniwala ako sa kanila, mahuhusay silang aktor, magaganda ang attitude nila sa trabaho nila,” say ni Direk Joel.

Aminado naman si Claudine na sobrang excited niya sa comeback teleserye niyang ito at sobrang pasa­salamat niya sa Viva Entertainment na binigyan siya ng ganitong klaseng proyekto lalo pa nga’t una nilang pagsasama ni Cesar.

Angelica sukdulan na ang kasamaan

Pangako Sa ‘Yo is down to its last three weeks kaya for sure ay inaabangan na kung kelan malalaman ni Amor Po­wers (Jodi Sta. Maria) na tunay niyang anak si Yna (Kathtryn Bernardo).

For this week ay nasaksihan na ang bagsik ng kasamaan ni Claudia (Ange­lica Panganiban) matapos niyang patayin si David (Diego Loyzaga), na siya namang humantong sa pagluluksa nina Amor at Yna.

Sa unti-unting pagtatagumpay ni Claudia sa kanyang mga plano, wala nang makapipigil pa sa kanyang pahirapan si Amor at itago sa kanila ni Eduardo (Ian Veneracion) ang katotohanang si Yna ang anak nilang si Maria Amor.

Sa kabila ng kanilang pagdadalamhati, isang panibagong pagsubok ang magkasamang haharapin nina Yna at Angelo (Daniel Padilla) lalo na ngayong sila ang sisisihin sa umano’y pagpapakamatay ni David.

ACIRC AMOR PO ANG ANG PROBINSYANO ANGEL LOCSIN BAKIT MANIPIS BELA PADILLA CLAUDINE NIYA SIYA YNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with