Kaya ayaw nang magmaldita sa serye... Donita dinadalaw daw ng mga demonyo sa panaginip
Jun Lalin (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Maraming bagay-bagay sa showbiz ang magkaka-connect.

Parehong cast members ng That’s My Amboy na magpa-pilot telecast mamayang gabi sa GMA 7 sina Donita Rose at Kiko Estrada.

Sa presscon ng That’s My Amboy ay biniro ko si Donita of connect silang dalawa ni Kiko.

“Kasama mo sa cast ang anak ng ex mo!” sey ko sa dating MTV VJ.

“Oo nga,” sagot naman ni Donita sabay tingin kay Kiko na anak ng ex-boyfriend niyang si Gary Estrada.

Sabi ko pa kay Donita, may iba pa silang connect ni Kiko dahil pamangkin ito ng best friend niyang si Ruffa Gutierrez.

In-explain ko kay Donita na pinsan ni Ruffa si Cheska Diaz-Morales na nanay ni Kiko. Magpinsan sina Ruffa at Cheska dahil pinsan ni Eddie Gutierrez ang nanay ni Cheska, si Nena na misis ng yumaong aktor na si Paquito Diaz.

“Marami ngang connect,” pagsang-ayon ni Donita.

Anyway, natuwa si Donita na katrabaho niya sa That’s My Amboy ang anak ni Gary at nagulat nga siya na binatang-binata na si Kiko.

Sayang nga pala at hindi ko na nahintay si Donita na ininterbyu muna ng iba noong presscon ng That’s My Amboy dahil hindi ko na nakumpirma sa kanya ang balitang ayaw na niyang tumanggap ng kontrabida role dahil noong una niyang tanggapin ang pagkokontrabida sa isang dating teleserye ng GMA 7 ay madalas daw siyang nakakapanaginip ng demons.

Christian si Donita, kaya pati sa pagtanggap ng acting roles ay mapili siya!

Yassi walang katapun-tapon

Bago sinimulan ang presscon ng Girlfriend For Hire noong Friday ay kumanta muna ang female lead na si Yassi Pressman.

In fairness, magaling kumanta ang young actress at na-appreciate ‘yon ng mga um-attend sa nasabing presscon.

Marami nga pala ang sumang-ayon sa desisyon ni Boss Vic del Rosario na ito na ang tamang panahon para bigyan ng launching movie ang loveteam nina Andre Paras at Yassi.

Sina Andre at Yassi nga pala ang sinasabing susunod na loveteam na mapapasikat ni Boss Vic after maging successful ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Based nga pala sa trailer ng Girlfriend For Hire, may promise ang launching movie na ito para kina Andre at Yassi.

Bb. Joyce, hindi apektado ng network wars

Hindi ipit si Bb. Joyce Bernal sa network wars ng ABS-CBN at GMA 7.

Madalas na may TV series na hinahawakan si Bb. Joyce sa Kapuso network. Siya ang direktor ng That’s My Amboy.

Sa ABS-CBN naman, madalas na may pelikula si Bb. Joyce sa Star Ci­nema, ang film outfit ng Kapamilya network.

Sa Wednesday, magsu-showing na ang Everything About Her movie nina Vilma Santos at Angel Locsin na si Bb. Joyce ang direktor. Sabi ni Bb. Joyce, happy siya na nagtatrabaho lang at mukhang hindi iniisip ang network wars!

Isabelle napagsasabay ang pag-arte at pagtuturo

Kahit abala sa kanyang showbiz career si Isabelle Daza at mahilig din siyang kumain, napapanatili niya ang kanyang kaseksihan dahil mahilig din siyang mag-exercise.

Lately, nahihilig din si Isabelle sa cycling classes sa tuwing nagdyi-gym siya.

At kahit abala ngayon si Isabelle sa ta­ping ng Tubig at Langis ng ABS-CBN, nagagawa niyang magturo ng cycling classes.

Next week nga, may two cycling classes daw si Isabelle.

ACIRC ANDRE PARAS ANG ANGEL LOCSIN BOSS VIC CHESKA DONITA GIRLFRIEND FOR HIRE KIKO MY AMBOY YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with