Pia siguradong sasalubungin ng matinding trapik!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

Sa Lunes, January 25, ang homecoming parade ni Pia Wurtzbach sa Metro Manila.

Nakipag-coordinate na ang Bb. Pi­li­pi­nas Charities Inc. (BPCI) sa MMDA para maging smooth ang parada na magaganap sa Lunes na isa sa mga araw na pinaka-overacting ang trapik sa EDSA.

I’m sure, magiging OA pa rin ang trapik sa Lunes dahil sa rami ng mga tao na nag-aabang sa pagrampa ni Pia na excited nang makita ang kanyang fellow countrymen.

NAIA pwede nang pagsiyutingan

In fairness, malinis at maayos na ang old Ninoy Aquino International Airport nang ma-sight ko ito kahapon.

Wish ko lang, forever na in good condition ang NAIA at hindi ningas-kugon lang.

Bukod sa maayos, malinis ang mga comfort room at malamig ang aircon sa buong airport na tinawag noon na one of the worst airports in the world.

Puwede nang mag-shooting at mag-taping sa NAIA 1 para makita ng madlang-bayan na malaki na ang improvement ng international airport ng Pilipinas.

Ken hindi nakilala nang magbihis-lalaki

Guest namin ngayong hapon sa CelebriTV si Ken Chan na nag-beso sa akin nang magkita kami sa studio ng GMA 7 noong Huwebes.

Hindi ko agad nakilala si Ken dahil sa totoo lang, mas gusto ko siya bilang Destiny Rose.

Gandang-ganda ako kay Ken sa tuwing napapanood ko siya sa Destiny Rose na humahataw sa ratings.

Ricky Lo, nakipag-tsikahan kay Ryan Reynolds

Walang interbyu ngayon sa CelebriTV si Papa Ricky Lo dahil lumipad siya sa Taipei para sa one-on-one tsikahan nila ni Ryan Reynolds.

Mapapanood naman sa CelebriTV sa susunod na Sabado ang interbyu kay Ryan na love interest ni Sandra Bullock sa The Proposal.

Naimbyerna ako kay Sandra nang mapanood ko ang The Proposal dahil feeling beautiful siya, kahit hindi sila bagay ni Ryan.

That’s My Amboy, mapapanood na

Mapapanood sa darating na Lunes ang That’s My Amboy, pagkatapos ng 24 Oras.

Ibabalik sa dating timeslot ang Little Nanay dahil sa pagpasok ng romantic comedy teleserye nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Dahil sa pagtatambal uli nina Barbie at Andre sa teleserye, baka matupad na ang wish ng madir ni Barbie na masamahan ni Andre sa panonood ng sine ng kanyang anak.

ACIRC ALIGN ANDRE PARAS ANG DESTINY ROSE LEFT MY AMBOY QUOT RICKY LO RYAN REYNOLDS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with