Alden mas gusto nang rumaket

MANILA, Philippines – Nakakaalarma na ang madalas na pagkawala ni Alden Richards sa kalyeserye ng Eat Bulaga. May fans kasing hindi na nanonood ng show nila pag wala si Alden.

Sana mahalin ng aktor ang kanyang trabaho, may nagtsika kasing madalas isingit ni Alden ang ibang alok kaya natetengga ang papel niya sa kalyeserye.

Sabi nga ni Kuya Germs, mahalin niyong mga kabataan ang trabaho n’yo dahil pag ito’y napabayaan, kusa itong lalayo at magtatampo sa inyo.

Malaking bagay si Alden kahit pa sabihing may kani-kanilang tagahanga ang tatlong lola at si Maine Mendoza.

Kahit sino kasing poging aktor ay walang pwedeng ipalit kay Alden. Kay Alden lang kasi may karisma ang mga tagahanga at sayang naman kung mabubuwag lang ito.

Dapat silang alagaan mabuti ng mga produ ng EB, dahil walang epek kahit ano pa ang ipagawa nila kay Yaya Dub kung wala naman si Alden.

Ngayon nga lang parang nabawasan na ang init nila.

‘Wag angkinin Jadine malaki ang share kina Coco at Vice

Hindi solo ni Vice Ganda at Coco Martin ang tagumpay sa takilyang tinatamasa ng Beauty and the Bes­tie dahil tampok din dito ang sikat na tambalang James Reid at Nadine Lustre na kinokonsiderang kalaban ng AlDub.

Sila ang nagdala ng movie kahit sabihing pinatawa ni Vice Ganda ang mga tagahanga dahil mga bagets ang tumangkilik sa movie kaya dapat din palakpakan sina Nadine at James.

Teka, bakit nga kaya nagkaganoon ang resulta ng MMFF?

Maingay kasi ang balitang ang My Bebe Love ang humahataw sa takilya tapos biglang Beauty and the Bestie na.

O dahil mas nakakatawa raw talaga ang pelikula ang Beauty… kesa sa Bebe… na ang dami talagang produktong nakapasok sa mga eksena.

Kung sabagay sa mga produktong ‘yun pa lang naman, kita na ang pelikulang bida sina Vic Sotto and AiAi delas Alas.

Siyanga pala, maraming salamat kay Cong. Dan Fer­nandez dahil tinulungan niya ang mga kapatid sa showbiz hukayin kung ano mang hiwaga meron ang MMFF at walang biyayang dumarating sa mga taga-showbiz.

Barbara Milano isa rin sa maraming natulungan ni Kuya Germs

Naging emotional ang aktres na si Barbara Milano noong magkita kami sa isang salu-salo sa Edsa Shangri-la noong mabanggit ko ang pagkamatay ni Kuya Germs. Naalaala niya kasi noong mag-guest siya sa Walang Tulugan para mag-promote ng sexy movie niya.

Si Barang ang one of the busiest sexy stars noong panahon ng sexy movie. Napakabait daw ni Kuya Germs kahit marami silang nag-guest noon ay hindi siya pinabayaang hindi maisalang, nakakalungkot daw mawala ang mababait na tao tulad ni Kuya Germs.                          

Show comments