Reklamong pang-aabuso kay Direk Cathy sa Forevermore, binuhay!

Viral ang reklamo ng isang talent at sa boyfriend nito sa director na si Cathy Garcia-Molina na naganap sa taping ng Forevermore sa Benguet.

Taong 2014 pa naganap ang akusasyong verbal abuse na natanggap nila sa direktora pero ngayon lang naglakas-loob ang dalawa upang ireklamo ang nangyari kay Cory Vidanes, TV Head ng Kapamilya Network.

Mahaba, detalyado at edukado ang nagpadala ng hinaing mula sa boyfriend na si Alvin Campomanes. Ang girlfriend/talent niya na si Rossellyn Domingo ang nag-upload ng open letter.

Komento tuloy ng nakabasa, parang eksena sa indie movie ni Vilma Santos na Ekstra, huh!

Hustisya ang hingi nila para sa maliliit na talents. “I want you to know that up to this day, I am still being haunted by the thought that I was not able to defend myself. The emotional and mental torture is terrific,” ani sa huling bahagi ng sulat ni Alvin.

Naku, another dedma lang ang reaksyon dito ng taong involved. Eh isa sa prized directors ng network si Molina, kumpara sa nagrereklamo, so why lift a finger? It will soon die like a natural death!

Titirhan nila Vic may basbas na agad

Inaabangan na ngayong buwang ito ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna. Tapos na ang bahay nilang ipinagawa at naganap ang blessing sa unang araw ng 2016.

Share nga ni Poleng sa kanyang Ins­ta­gram account, “We had our home blessed today (January 1, 2016) by our favorite priest, our mentor, Father Jeffrey Quintela. What a great way to start the new year! Thank you Lord!”

Walang iba pang detalye kung saan located ang titirhang bahay nina Vic at Puleen after ng wedding nila.

Sa huli naming alam, sa isang simbahan sa Alabang, Muntinlupa, gaganapin ang kasal na paborito ni Bossing Vic.

Alden ‘wag sanang malunod agad

Nabulabog na naman ang Twitter world sa birthday ce­lebration ni Alden Richards. Buhos ang pagbati mula sa nagmamahal sa Pambansang Bae.

Always keep your feet on the ground ang pagbati sa kanyang ng Eat Bulaga Dabarkads.

Type namin ang mensahe ni Senador Tito Sotto tungkol sa pagtanggap ng schedules ng trabaho ni Alden.

Piliing mabuti para magkaroon ng pahinga ang 24-year-old actor.

Sa showbiz, strike while the iron is hot. Baka nga naman kung lagi siyang magpahinga eh, tuluyan din mamahinga ang gustong kumuha ng serbisyo niya, huh!

Well, balansehin lang naman ang lahat. Tao si Alden at hindi makina, huh!

Of course, natutuwa kami sa tagumpay na tinatamasa ni Alden ngayon. Pambihirang mangyari ‘yan sa isang nilalang sa showbiz. Wag lang siyang malunod sa isang basong tubig, huh!

Again, happy, happy birthday, Alden!

Show comments