Edu namayat na sa kaiikot sa buong ‘Pinas
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 29, 2015 - 9:00am

Kapansin-pansin ang pagpayat ni Edu Manzano dahil nabawasan ang kanyang timbang mula nang mag-ikot siya sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas bilang senatorial candidate ng Partido Galing at Puso.

Pabor kay Papa Edu ang pagpayat dahil hindi na niya kailangan na mag-diet pero  hindi siya nawawalan ng panahon para mag-exercise. Certified health buff si Papa Edu ‘di ba?

At dahil mestizo siya, matagal bago mangitim ang kutis ni Papa Edu as in namumula lamang ang kanyang balat. Hindi siya basta tinatablan ng ma­tinding sikat ng araw.

Pinagkakaguluhan si Papa Edu ng mga tao sa lahat ng mga probinsya na pinupuntahan ng mga senatorial bet ng PGP dahil artista siya pero nadadagdagan ang paghanga sa kanya kapag inilalahad na  ang mga plataporma niya bilang senatorial candidate.

Natutuwa nga pala si Papa Edu dahil bihira man sila na magkita ni Gibo Teodoro, nagpahayag ito ng suporta sa candidacy niya.

Si Gibo ang running mate ni Papa Edu nang kumandidato ito na bise-presidente ng Pilipinas noong 2010.

Luis tatlu-tatlo ang ikakampanya sa eleksiyon

Mabuting anak si Luis Manzano. Hindi man siya obligahin ni Papa Edu na ipangampanya ang kandidatura nito, siguradong susuportahan ni Luis ang tatay niya.

Bale tatlo pala ang tutulungan ni Luis sa eleksyon sa 2016, si Papa Edu, ang nanay niya na si Batangas Governor Vilma Santos na kakandidatong congresswoman at ang kanyang stepfather na si Senator Ralph Recto na re-electionist.

Tama ang desisyon ni Luis na huwag ku­man­didato na alkalde ng Lipa City dahil maganda ang mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.

Bata pa si Luis kaya makapaghihintay ang panga­rap niya na maglingkod sa bayan na siguradong mangyayari sa tamang panahon.

Sen. Grace ipinagmamalaki ang showbiz industry na nagpaaral sa kanya

Ipinagmamalaki ni Senator Grace Poe ang showbiz connection niya dahil ito ang bumuhay sa kanya bilang  bilang anak ng mga  Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino, sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.

“I’m very proud of the movie industry and the television industry. ‘Yon naman ang  kinala­kihan ko, nagpaaral sa akin at ang mga tumang­kilik sa mga pelikula ng mga magulang ko,” ang pahayag ni Mama Grace kaya hindi ito p­ina­babayaan ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang na naniniwala sa mga plataporma niya na pag­tatatag ng isang gobyernong may puso at may simpatya sa pinagdadaanan ng mga Pilipino.

Ilan lamang sina Eddie Garcia, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, at Joey Marquez  sa mga  hayagan ang pagsuporta sa kandidatura ng unica hija nina Kuya Ron at Manang Inday.

Nagsalita si Papa Eddie na kahit alukin siya ng malaking halaga ng mga makakalaban ni Mama Grace sa presidential race, ang anak pa rin ng mga kaibigan niya ang kanyang susuportahan at iboboto.

Nangako naman ng tulong kay Mama Grace ang mga kaibigan na direktor na nag-boluntaryo na igawa siya ng mga television ad na walang kapalit na datung.

AlDub masagana ang Pasko dahil sa limpak- limpak na endorsement

Everywhere na talaga ang AlDub dahil lahat na lang ng klase ng mga produkto, mga endorser na sila mula pagkain, suka, sabon, at kung anik-anik pa.

Tiyak nang masagana ang Pasko at manigo ang bagong taon nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa limpak na limpak na salapi na kinita  nila sa kanilang  mga product endorsement.

ACIRC ANG DAHIL EDU LUIS MAMA GRACE MGA NBSP NIYA PAPA PAPA EDU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with