Takbo ni Jimmy, tampok sa Tunog ng Pagbabago concert

MANILA, Philippines – Magsasama-sama ang mga supporter nina Mayor Rodrigo Duterte at Senador Allan Peter Cayetano para himukin ang una na ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa 2016.

Isang concert ang binuo ng DC Supporters, ang Mad for Change: Tunog ng Pagbabago na gaganapin sa Linggo, November 29, 5:00 p.m., sa Chateau Road, McKinley West, Fort Bonifacio, Taguig City.

Tatampukan at magbibigay saya ang mga singer na sina Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Paolo Santos, Thor, Kris Angelica, Popong Landero, Lolita Carbon, Allan Nawal Afdal, Duches in Throne, Kamagong, Daddy’s Off Duty at marami pang ibang surprise guests.

Sa Mad for Change concert iparirinig ni Bondoc ang awiting ginawa niya para kay Duterte, ang Takbo na ang mensahe ay ukol sa paghimok dito na tumakbo sa pagkapangulo. Makakasama ni Bondoc para kakantahin ang Takbo sina Mijares, Santos, at Thor.

Bukod sa entertaining show, mayroon ding libreng pakalbo at printing ng T-shirt. Ito’y Free admission kaya puwedeng manood ang kahit sino.

Show comments