AlDub fans tamang hinala lang?!
Jun Lalin (Pang-masa) - November 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines –  May ilang fans ng AlDub (Alden Richards-Maine Mendoza) ang nagtatanong kung bakit palaging napapasali sa interbyu sa ibang mga celebrity ang kanilang iniidolong tambalan?

Ang dating kasi sa ibang AlDub fans ay nakikisakay ang ilang celebrities sa kanilang well-loved loveteam, kaya binabanggit ng ibang celebrities sa mga interbyu ng mga ito sina Alden at Maine.

Pero hindi naman lahat ng celebrities na nababanggit ang AlDub ay nakikisakay sa popularidad ng dalawa.

Actually, mismong ang mga nag-iinterbyu sa ilang celebrities ang nagtatanong sa mga ito tungkol sa AlDub.

Karamihan lang sa celebrities na natatanong ay nagsasabing talagang sobrang phenomenal na maituturing ang kasikatan ng AlDub.

Al-Dav interview, lumipas na rin

Lumipas na ang Al-Dav (Alma Moreno-Karen Davila).

Kung noon ay pinag-uusapan talaga ang interbyu ni Karen Davila sa Headstarts ng ANC sa senatoriable na si Alma Moreno dahil nga raw sa kapalpakan ng actress turned politician, ngayon ay nag-die-down na naman ‘yon.

Ang wish nga ng mga malalapit kay Alma ay tuluyang makalimutan ang interbyung ‘yon ni Karen sa tinaguriang “tanga queen” noong 80’s.

Sana raw ay mas mapag-usapan ang mga nagawa ni Alma sa Parañaque City bilang city councilor at sa pamumuno niya sa samahan ng mga councilor sa buong Pilipinas.

Sweet maraming bayarin, nagpapasalamatna extended ang Doble Kara

Nasa Starbucks ako sa Imperial Palace Suites noong Lunes nang pumasok si John “Sweet” Lapus at bumili ng kape.

Ayon kay Sweet, galing siya sa taping ng Doble Kara sa katabing bar lang ng Imperial Palace.

Medyo matagal pa raw ang eksenang kukunan sa kanya, kaya nag-coffee break lang siya.

Masaya si Sweet dahil book two na ang Doble Kara ni Julia Montes.

Hanggang March pa raw sila ng susunod na taon at aabot daw yata sila ng book three.

Sabi ni Sweet, malaking bagay sa kanya ang isang regular show dahil aminado nga ang TV host/comedian na marami siyang mga binabayaran.

Ang maganda raw sa ABS-CBN, kahit sa afternoon show siya natoka ngayon, pareho pa rin daw ang talent fee niya sa ibang primetime shows na nagawa niya.

ACIRC AL-DAV ALDEN RICHARDS ALIGN ALMA MORENO ANG DOBLE KARA LEFT MGA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with