Anak ng sikat na basketbolista na nag-artista rin malubha ang kalagayan

MANILA, Philippines – Nagsisi na raw ngayon ang anak ng isang dating sikat na basketbolista. Imbes na manahin kasi nito ang kasikatan ng ama, nagdalawang-isip ito at pinasok ang pag-aartista.

Ang siste, nawala sa concentration ang binatilyo. Isinaisang-tabi niya ang pagiging player at ‘di rin sineryoso ang pag-arte. Ang kalabit ng puso ang umatake sa artistang manlalaro. Umibig ito sa kasamahan sa TV show.

Napaibig niya ang batam-batang sexy singer-actress, ang kaso nga lang, mas matinding pagmamahal ang isinukli ng babae, na sinamantala naman ng lalaki. Hanggang sa dumating ang sandali na umabuso na ang basketball player-aktor-aktoran.

Ang nakakaloka pa, pati pamilya ng lalaki ay sumandal na rin ito kay sexy singer-actress. Lahat ng pangangailangan nila at luho ay ibinigay naman nito. Malakas kasing rumaket si nobya lalo na noong magpunta ito sa Japan.

Siyempre, fiesta ang buong mag-anak tuwing magpapadala at darating si sexy singer actress. Pero ang lahat nga ay may katapusan. Nagising sa katotohanan ang kawawang girl.

Animo’y pinagsakluban ng langit at lupa ang mapaglaro este manlalaro dahil naputol lahat ang luho niya at ng kanyang pamilya. Hanggang sa nagkasakit ito at ngayon nga’y nasa malubha itong kalagayan.

Ganun pa man, tuloy ang buhay ni girl, minsan may singing engagement o shows abroad and local, TV guesting na siyempre, kailangan niyang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang anak na babae niya sa Hapon na ngayo’y nasa elementary na.

Kris dapat humingi ng payo sa lovelife kina Erich at Daniel

In love talaga sa isa’t isa sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Mahahalata mo kasi ito kapag sila’y nagtititigan - nganungusap at para bang laging sabik. Kahit itanong n’yo ‘yan kay Kris Aquino.

When Kris talked to them sa KrisTV in detailed ay gustong alamin ng TV host ang sikreto ng lovers kung ano ang mga ginagawa nila. Siyempre, mga halakhak lang at sweet na titigan ang ipinakikita nina Erich at Daniel.

So, abangan na natin ang nalalapit na teleserye nina Erich at Daniel, ang Be My Lady na lalong magpapakilig kay Ms. Kris.

Show comments