Regine umamin sa kasalanan!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 18, 2015 - 9:00am

Nilinaw na ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang reklamo ng fans niya dahil hindi siya naka-join sa GMA Christmas Station ID.

Wala raw kasalanan doon ang GMA Network, siya ang hindi available sa schedule na ibinigay sa kanya para sa shoot.

“Palagi na naman akong kasama noon, kaya lamang this time, hindi talaga kinaya ng sche­dule ko,” sabi ni Songbird. “Naging too busy ako dahil sa weekend concerts ko na Regine At The Theatre sa Solaire Resort & Casino, kaya it’s my fault, not GMA’s. Sinabi ko na sa mga fans ko na huwag nang gawing issue ang tungkol doon, baka sabihin pa na inutusan ko sila. Tama na iyon at nagustuhan ko ang concept nila, sayang nga lamang at hindi ako pumuwede.”

May magandang balita naman ang GMA Records na number one na sa iTunes Philippines ang single na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko na kinanta ni Alden Richards bilang theme song ng 2015 GMA Christmas Station ID.

May TV plug din si Alden na nagsasabing kapag nag-download kayo ng said single sa iTunes, lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa Kapuso Foundation para sa victims ng Typhoon Lando.

Mark seryoso na sa trabaho para sa anak

Thankful si Mark Herras na bago matapos ang 2015, sunud-sunod ang kanyang projects sa GMA Network. Mayroon na siyang daily morning serye na Dangwa with Janine Gutierrez and Aljur Abrenica, napapanood pa siya gabi-gabi sa fami­ly drama series na Little Nanay kasama ang mga iniidolong sina Ms. Nora Aunor, Eddie Garcia, Bembol Roco at ang little nanay na si Kris Bernal. Kung minsan ay naggi-guest din siya sa Starstruck 6 at balita pa ni Mark, ayon sa manager niya, may bago pa siyang project sa 2016. Bakit mukhang nagseseryoso na siya nga­yon sa trabaho niya?

“Para po sa anak ko, si Ada, ang lahat ng ginagawa ko, para sa kanya, siya ang inspirasyon ko,” sabi ni Mark. “Very attached sa akin ang anak ko, maayos naman ang relasyon namin ng mommy niya, kahit we’re not living together, ang concern namin ay ang welfare ng baby namin. Siguro po, mag-aasawa pa rin ako, pero hindi muna ngayon.

Russian model ‘di umubra kay Alden

Papayagan na kaya ni Lola Nidora (Wally Ba­yola) na mag-date sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ngayong 18th weeksary nila? Kahapon kasi nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa Russian model na si Cindy, na gusto ni Lola Babah (AiAi delas Alas) para sa apong si Alden. Ayaw kasing maniwala ni Yaya na siya talaga ang mahal ni Alden dahil ayaw sa kanya ng Lola Babah niya.

Dumating si Cindy at pinagtaguan siya ni Alden, hanggang sa audience ay pumunta siya.

Si Vic Sotto ang nagturo kung nasaan si Alden na naintindihan. Pero hindi napilit ni Cindy na siya ang mahalin ni Alden dahil sabi nito, iisa lamang ang itinitibok ng puso niya, si Divina Ursula (Yaya Dub), dahil ang love daw ay hindi ipinipilit.

Nagtangkang magsumbong si Cindy kay Lola Babah pero nakiusap si Alden na huwag daw dahil si Yaya talaga ang mahal niya. Nag-walk out si Cindy. Doon naman humingi ng permiso si Alden kay Lola Nidora kung pwedeng mag-date sila ni Yaya na sila lamang dalawa para magkapaliwanagan sila. Hindi nakasagot si Lola Nidora dahil tumunog na ang busina, freeze!

ACIRC ALDEN ALDEN RICHARDS ANG CHRISTMAS STATION CINDY DAHIL LOLA BABAH LOLA NIDORA NBSP SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with