Enchong nawalan na ng hiya
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 17, 2015 - 9:00am

Mula nang sumali sandali si Enchong Dee sa Pinoy Big Brother ay naging at ease na ang TV host/actor sa mga ginagawa niya.

Kaya kahit sa katatapos na Star Awards for Music ng PMPC okay lang sa kanya na gawing katawa-tawa ang sarili. Nawala na rin ang pagiging pikon at sensitive niya.

Wala na raw siyang maitatago dahil napag-usapan na ang tungkol sa kanyang pamilya. Naging open na raw ang buhay niya sa tao kaya wala na siyang dapat ipag-alala.

Magbabakasyon silang pamilya sa Vietnam ngayong December sa pagitan ng Pasko at Bagong Taon.

Bale ang trip nila sa Vietnam na ang regalo niya sa mama niya, pero hindi kasama ang kapatid niyang si AJ Dee dahil nga nag-migrate na ito sa Norway.

Kahit malayo na ang kuya niya madalas naman silang magkausap sa Facebook at lagi silang may connection sa Instagram.

Pagkatapos ng bakasyon ay balik-trabaho agad si Enchong dahil may commitment siyang dapat harapin.

Samantala, may indie movie si Enchong na pinamagatang #Lila na isang horror film sa direksyon ni Gino Santos.

Hindi naman daw siya mapili sa role. Kahit anong role ay puwedeng ibigay sa kanya.   Wala raw siyang ini-expect basta lahat ay gusto niyang subukan at pasukin para mag-grow. Wish niya na magkaroon muli ng bagong album.

Benjie ayaw makababae

Ayaw na ni Benjie Paras na sumubok na magkaanak ng babae.

Quota na raw siya sa apat niyang boys na sina Andre, Kobi plus ang dalawa pang mga bagets sa pangalawa niyang asawa.

Okey na raw siya dahil si Andre ay 20 years old, si Kobe ay 18 years old at mayroon pa siyang mas bata na dalawa.

Feeling ni Benjie sa isang interview, na hindi na raw siya makasasabay kapag nagkaanak pa sila. Kuntento na ang komedyante na only girl sa bahay nila, ang  misis niya na siya raw ang inaalagaan bilang panganay.

ANG BAGONG TAON BENJIE BENJIE PARAS ENCHONG ENCHONG DEE GINO SANTOS KAHIT NIYA PINOY BIG BROTHER RAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with