Ayaw nang tumanggap ng trabaho Dingdong aligaga na sa panganganak ni Marian

Nabalita noon na si Dingdong Dantes ang papalit sa asawang si Marian Rivera sa segment nitong Judge MD sa Sunday PinaSaya.

Pero mukhang excited na talaga ang soon-to-be daddy at hindi raw tinanggap ang offer.

Expected na kasing mag­sisilang si Marian nga­yong November 16, 17 or 18, kaya siguro ayaw na siyang iwanan ni Ding­dong.

Paano nga naman kung sakaling nagsu-show siya, saka sumakit ang tiyan ni Marian at kailangan na siyang dalhin sa hospital?

Ang gusto pa naman ni Marian, sila lamang ni Ding­dong ang pupunta sa hospital, ayaw daw niya na maraming taong kasama lalo na kapag nagli-labor na siya.

Kapag nakapagsilang na raw siya saka sila tatanggap ng bisita.

Kaya kahapon, kung nabalita rin na si Julie Anne San Jose ang papalit muna kay Marian, hindi naman natuloy dahil walang segment ng Judge MD na napanood.

Alden at James, pinagsama

Nakakatuwang makitang magkakasama sa isang event ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

Napuno ang SM Mall of Asia nang i-launch ng Metrobank Yazz Card Ph na magkakasama sina Alden Richards, James Reid, Liza Soberano, at Kakai Bautista.

Sila ang latest ambassadors ng prepaid card na pwede ninyong i-avail para magamit sa inyong pagsa-shopping online, mag-book ng flights online, magpadala ng pera sa inyong pamilya at makakuha ng pera sa alinmang ATM.

Sa backstage before the launch nakitang nagkukuwentuhan ang dalawang gwapong actor na sina Alden at James, nagkamayan pa sila after. Nang lumabas na silang apat, tilian ang mga tao at game naman silang nagpa-selfie with the audience.

Winwyn, magpapaligaw uli kay Mark?

Hindi tumanggi si Winwyn Marquez na tanggapin ang bago niyang primetime drama series na Little Nanay kahit magkakasama sila ng nali-link sa kanyang si Mark Herras.

Wala raw siyang apprehension kahit magkasama sila ni Mark dahil gusto rin niya itong makatrabaho sa isa namang seryosong project.

Friends daw sila at nagkasama sa mga Sunday noontime variety shows ng GMA 7 at doon nga sila na-link sa isa’t isa.

Pero inamin niyang hindi nagtuloy sa panliligaw sa kanya si Mark dahil inunahan na niyang ayaw muna niya ng commitment, sayang naman ang friendship namin.

Nirespeto raw naman ni Mark ang sinabi niya pero patuloy pa rin ito kaya hindi na raw niya alam kung paano i-explain.

Paano kung ngayong madalas silang magkasama sa taping ay ituloy pa rin ni Mark ang panliligaw sa kanya?

Nilinaw din ni Winwyn na hindi problema kung ang nangliligaw sa kanya ay may anak na, basta sa ngayon ayaw niyang mag-comment tungkol doon.

As usual, kontrabida na naman si Winwyn as Beatrice sa Little Nanay na mapapanood na simula mamayang gabi sa GMA 7 pagkatapos ng Mari­Mar sa direksyon ni Ricky Davao.

Show comments