Alonzo nagwala nang tanungin tungkol sa aswang!

Lumitaw ang pagiging bata ni Alonzo Muhlach sa presscon kahapon ng Wang Fam dahil nawala siya sa mood.

Hindi kasi nagustuhan ng bagets ang hypothetical question ng isang reporter na kung sakaling aswang siya...

Hindi sinagot ni Alonzo ang tanong dahil ipinagpilitan niya na tao siya at hindi aswang.

Muntik nang mag-walk out ang bagets habang aliw na aliw sa kanya ang mga reporter.

Hindi kasama kahapon ni Alonzo ang kanyang fadir na si Niño Muhlach dahil kung umapir ito sa Wang Fam presscon, tiyak na siya ang aamo sa bagets na naimbyerna sa mga tanong na narinig.

Opening day ng Wang Fam, natapat sa holiday

Late nang nag-start ang presscon ng Wang Fam dahil natrapik ang karamihan sa mga artista ng pelikula.

Grabe naman kasi ang traffic situation na hindi na bago sa Metro Manila.

Mabuti na lang, idineklara na holiday ang November 18 at 19 or else, mabibiktima ng le­gendary at horrible traffic sa Metro Manila ang world leaders na dadalo sa APEC Summit.

Blessing in disguise para sa Viva Films ang November 18 holiday dahil ito ang opening day ng Wang Fam sa mga sinehan.

Lorna dinala ang paboritong apo sa Disneyland

Kahapon ang 4th birthday ni Tori kaya dinala siya sa Hong Kong Disneyland ng kanyang lola Lorna Tolentino.

Si Tori ang una at favorite apo ni LT at anak siya ni Rap Fernandez sa non-showbiz girlfriend nito.

Enjoy na enjoy si Tori sa kanyang Disneyland trip, courtesy of her loving lola. Mabilis tandaan ang birthday ni Tori dahil isinilang siya noong 11-11-11.

Pokwang complete bed rest na sa next pregnancy

Kung sakaling magbuntis uli si Pokwang, complete bed rest ang gagawin niya para hindi na uli siya makunan.

Kumpletong bed rest ang payo kay Pokwang ng doktor nang ipagbuntis niya ang dapat na panganay nila ng kanyang boyfriend na si Lee O’Brian pero huli na ang lahat dahil nalaglag ang bagets.

Isang teleserye at ang shooting ng Wang Fam ang pinagkakaabalahan ni Pokwang nang malaman nito ang maselan na kalagayan ng pagbubuntis.

Pinayagan si Pokwang na magpahinga pero nakunan pa rin siya. Sa susunod na mabuntis si Pokwang, alam na alam na niya ang gagawin para maging successful ang kanyang pregnancy.

Hollywood actor aamin na HIV positive!

Waiting ang lahat sa paglantad o pag-amin ng isang sikat na Hollywood actor tungkol sa kanyang matagal nang inililihim na sakit.

Ang tsismis, HIV positive ang Hollywood actor na maraming sikat na babae na nakarelasyon.

Ayaw aminin ng aktor na HIV positive siya dahil sa takot na mawalan ng career at magkaroon ng patung-patong na demanda mula sa mga babae na naka­tsugihan niya.

Marami ang humuhula na nagsisimula sa letter C ang name ng aktor na minsan nang bumisita sa Pilipinas dahil dito kinunan ang mga eksena ng isang pelikula na pinagbidahan niya.

Malalaman natin kung correct ang mga hula kapag umamin na ang problemado na Hollywood actor.

Show comments